19

SEPTEMBER 2021

Mag-impok sa Langit

by | 202109, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Thelma A. Alngog

Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip mag-impok kayo ng kayamanan sa langit…

Mateo 6:19-20a

Ang dating First Lady Imelda R. Marcos ay napabalitang may libo-libong pares ng mga sapatos.  Ang ilan sa mga natitira niyang sapatos ay naka-display ngayon sa Marikina Shoe Museum. Pero ayon sa 2010 report from the Associated Press, more than 150 boxes of Mrs. Marcos’ clothes, accessories, and shoes have been damaged by termites, storms, and neglect.

Dahil sa kagustuhan nating magkaroon ng happiness and wealth, sinisikap nating hanapin ang mga ito sa material possessions. Gaya ni King Solomon. King Solomon was the richest king that Israel ever had. Siya ang pinakamatalino noong kanyang panahon at pinakamayaman—lahat ng bagay ay nasa kanya na. Naipatayo niya ang templo ng Israel, pati ang isang malaking bahay para sa kanya. Gumawa siya ng malawak na ubasan at hardin, bumili ng mga alipin, nakaipon ng napakaraming pilak at ginto, at nagkaroon ng maraming karelasyon (Mangangaral 2:4-8).

Ngunit sa paglipas ng maraming araw ay napagtanto niya na kahit nakuha na niya ang lahat ng bagay ay mayroon pa ring kulang. Ang lahat ng kanyang nakamit at pinagpaguran ay walang kabuluhan. Ano nga ba ang “tunay na kayamanang” makakapag-satisfy sa atin?

Ang sabi ng Mateo 6:19, huwag tayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa—sapatos man iyan, ginto, pilak, lupain, o magarang bahay.  Mag-impok tayo ng kayamanang panlangit. Ang buhay natin ay higit pa sa mga kasuotan at pagkain o anumang nakikita natin dito sa lupa. Pag-ukulan natin ng pansin at suportahan ang mga bagay na may kinalaman sa lalong ikalalaganap ng kaharian ng Diyos (Colosas 3:1). Kung ang puso natin ay pinananahanan ni Jesus, nasa atin na ang Makapangyarihang Diyos na may-ari ng lahat! At kung ang iniisip at ginagawa natin ay ang mga bagay na ukol sa Kanya, nag-iimpok tayo sa langit ng tunay na kayamanang magbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan.

Nasa puso mo na ba si Jesus? Kung oo, nasa iyo na ang yamang hindi mapapantayan! Kung hindi pa, invite Jesus to come inside your heart and it will make your heart rich forever.  Let us pray.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, I believe in You. I accept You as my Savior. Come into my heart. You are my treasure forever. Bigyan Ninyo ako ng wisdom so I can store up treasures in heaven. Amen.

APPLICATION

May mga gamit ka ba na hindi mo talaga kailangan at maaaring pakinabangan pa ng iba? Consider sharing your possession to the needy. Also, consider giving para sa gawain ng Panginoon. You can start by giving to CBN Asia. I-click ang “Give Page” para magbigay.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 3 =