12

JULY 2023

Maging Matalino at Maamo

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Thelma A. Alngog

Welcome back to our series “Maging Matalino,” and today, we will discover kung paano ba maging matalino at maamo through the example of our Lord Jesus.

Kaya’t maging matalino kayo gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati.

Mateo 10:16b

Sabi ni Charles Simeon, “Now the wisdom of the one and the harmlessness of the other are very desirable to be combined in the Christian character.” Bakit niya ito nasabi? He said, “Because it is by such a union only that the Christian will be enabled to cope successfully with his more powerful enemies.” Kapag marunong at maamo raw ang isang Cristiano, magtatagumpay siya laban sa malalakas niyang mga kaaway!

In Matthew 10:16, Jesus used a figure of speech nang kausapin Niya ang Kanyang mga disciple. “Tingnan ninyo; isusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya’t maging matalino kayo na parang ahas at maamo na gaya ng kalapati.” Sinabi ito ni Jesus nang suguin Niya sila upang ipangaral ang pagdating ng Kaharian ng Diyos, pagalingin ang mga maysakit, buhayin ang mga patay, at palayasin ang mga demonyo (Mateo 10:5–8). Ganoon din, ipinaalam Niya na may mga pag-uusig na darating. This means makakaranas sila ng spiritual warfare.

Sa pakikibaka natin ngayon, paano tayo magiging wise katulad ng serpent? Serpents are always watchful, so we can be smart believers when we listen to the voice of God. Kapag ang isang tao ay may personal na relasyon sa Diyos, ang Spirit mismo ng Diyos ang tumutulong sa kanya to think and act smart kapag may problema. He will guide and protect you, kaya kapag sinunod mo Siya, malalayo ka sa kapahamakan.

Paano naman maging gentle as a dove? Dove symbolizes godliness, purity, and gentleness. Jesus set the best example of gentleness. He lived a holy life (Hebrews 4:15), acted in compassion (Matthew 9:36), and challenged anyone who found fault in Him without turning violent (John 8:46;18:23). Jesus shows us how to be wise as a serpent and gentle as a dove, and He empowers us to be the same.

Patuloy tayong makinig sa Salita ng Diyos para tumalino tayo. Kitakits bukas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, we want to follow Your example. Gawin Ninyo kaming wise para malayo kami sa anumang uri ng kapahamakan. Help us also to share the gospel wisely and serve You wholeheartedly with gentleness.

APPLICATION

 Observe godly people who are wise yet humble, gentle but not pushovers. Anong puwede mong matutunan sa kanila?

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 14 =