5

JUNE 2023

Maniwala at Magtiwala

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Prexy Calvario

At siya’y nanalangin, “Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya’y makakita.” Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.

2 Mga Hari 6:17

Sa 2 Mga Hari 6:8–19, binalak ng hari ng Siria na digmain ang Israel. Ngunit naudlot ang bawat pagsalakay nila dahil tinulungan ni Eliseo ang hari ng Israel. Nang natuklasan ng hari ng Siria na ang propetang si Eliseo ang nagbigay ng babala sa hari ng Israel kung saan sila di dapat pumunta, pinahanap niya ito para hulihin.

Nang natuklasan nilang nasa Dotan si Eliseo, pinuntahan at pinalibutan nila ito ng maraming kawal, kabayo, at karwahe. Nangamba si Gehazi, ang katulong ni Eliseo (v. 15). Sinabi ni Eliseo, “Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila” (v. 17). Ano daw? Kung ikaw si Gehazi na alam mong dadalawa lang kayo ng amo mo, maniniwala ka ba agad? O malilito ka sa sinabi niyang mas marami kayong kakampi kaysa mga nakikita mong nakapalibot sa inyo?

Kaya nanalangin si Eliseo na buksan ng Diyos ang paningin ng kanyang katulong. Pinakinggan ng Diyos ang kanyang panalangin at nakita nga ni Gehazi na ang bundok ay punumpuno ng mga kabayo at karwaheng apoy sa paligid nila. Wow! Totoo nga! Mas marami nga silang kakampi kumpara sa nakapaligid sa kanila. At nang salakayin sila ng mga taga-Siria, nanalangin muli si Eliseo na bulagin ng Diyos ang mga taga-Siria at dalhin sila sa ibang lungsod — at ganoon nga ang nangyari (vv. 18–19).

Siguro nasa sitwasyon kang nakikita mong dehado ka. O kaya’y nawawalan ka na ng pag-asa na malampasan ang kinakaharap mong problema. Baka nangangamba ka sa mga nababalitaan mo tungkol sa ating bansa at sa mundo. Huwag kang matakot dahil kasama natin ang Diyos. Gaya ni Eliseo, idalangin mong mabuksan ang mata mo para makita mo ang mga pinapadalang tulong ng Diyos. At habang hinihintay mo itong makita, panghawakan mo ang mga pangako Niya. Maniwala ka sa Kanya. Magtiwala ka sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, buksan Ninyo ang aking paningin nang makita ko ang Inyong mga pangako, at pamamaraan. Ang katuparan ng mga ipinangako Ninyo sa lahat ng tumanggap kay Jesus ay nagpapalakas ng aking pananampalataya. Tulungan Ninyo akong maniwala at magtiwala sa Inyo sa gitna ng pagsubok na kinahaharap ko.

APPLICATION

Meditate on Hebrews 11:1. Kabisaduhin ang verse na ito. Maaari mo ring isulat ito sa isang papel at ikapit sa lugar kung saan palagi mong mababasa lalo na tuwing makakaramdam ka ng takot o pangamba.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 10 =