3

AUGUST 2021

Mapagpakumbabang Tagapagligtas

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gutch Gutierrez & Written by Thelma A. Alngog

Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap. Wala man lang pumansin sa kanya. Binale-wala natin siya, na parang walang kabuluhan.

Isaias 53:3

Minsan, nagpapagalingan ang mga punongkahoy na sina Santol, Mangga, Kabalyero, at Niyog. Pinagtatawanan nila si patpating Punong Kawayan pero hindi ito umiimik. Nagalit si Hangin sa narinig niyang pang-iinsulto ng mga puno kay Punong Kawayan. Kaya umihip siya nang malakas na malakas hanggang sa nabuwal ang mayayabang na punongkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang hindi nabuwal dahil sa bawat malalakas na hampas ni Hangin, yumuyuko siya.

Tulad ng kawayan na ininsulto ng mga punongkahoy, si Jesus din ay hinamak. May hihigit pa ba sa mga pasakit, panunuya, pambubugbog, at pagpako sa krus na naranasan ni Jesus? Sa Isaias 53:3 ay inihula na si Jesus ay hahamakin ng mga tao at itatakwil. Magdadanas siya ng hapdi at hirap, at babalewalain ng mga tao. Kasabay nga ng pagsuntok sa Kanya ng mga sundalo, marami pang panlalait na ginawa sa Kanya (Lucas 22:63-65). Tinuya rin Siya ng isa sa dalawang kriminal na ipinako sa tabi Niya (Lucas 23:39). Maging ang mga nagdaraan ay ininsulto Siya at hinamong bumaba sa krus at iligtas ang Kanyang sarili (Marcos 15:29). Nilait din Siya ng punong pari at tagapagturo ng Kautusan (Marcos 15:30-31). Sa lahat ng ito, hindi umimik si Jesus.

Ang humility ni Jesus ay ultimately napatunayan sa Kanyang kamatayan sa krus upang iligtas tayo sa kasalanan. Gayahin natin ang ikalawang kriminal na napako sa tabi ni Jesus. Kilalanin natin na tayo ay dapat maparusahan dahil sa ating mga kasalanan ngunit si Jesus ay walang kasalanan—sinless and spotless. Kaya Siya lamang ang tanging makakapagligtas sa atin. Huwag nating balewalain si Jesus at ang kaligtasang inaalok Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus, I repent of my sins. Katulad ng kriminal na kasama Ninyong napako, ako po ay naniniwala na Kayo ay walang kasalanansinless and spotless—pero kayo ang nagbayad ng aming mga kasalanan. Kayo ay Hari at Kayo lamang ang makaka-save sa akin. My Savior Jesus, reign in my life. Amen.

APPLICATION

I-share sa iyong mga kapamilya at kaibigan ang simpleng paraan upang magkaroon ng kaligtasan at maranasan ang buhay na walang hanggan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 7 =