30

AUGUST 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jocelyn Rayton & Written by Michellan Alagao

Sinabi ni Yahweh, Tumubo ang halamang iyon, lumago sa loob ng magdamag, at namatay kinabukasan. Wala kang hirap diyan ngunit nalungkot ka nang iyan ay mamatay. Ako pa kaya ang hindi malulungkot sa kalagayan ng Nineve?

Jonas 4:10-11a

Narinig, o nasabi, mo na ba ang mga bagay na ganito?

“’Yung aso ko, mabait. Di katulad ng kapitbahay ko na nakakainis!”

“At least ‘yung alaga kong pusa, cute! Di katulad ng mga nagpapa-cute diyan!”

“Buti pa itong halaman, mas gusto ko pang kasama kaysa sa tao minsan, hmph!”

Nakakahiya mang aminin bilang Cristiano, pero may mga araw na talagang naiinis tayo sa ibang tao dahil napakasama nila. Minsan, mas gusto pa nating kasama ang mga pet o halaman natin kaysa sa mga tao sa paligid natin!

Makaka-relate tayo kay Jonas. Ayaw niyang sundin ang Diyos nang sinabi Niyang pumunta siya sa Nineve para bigyan ng warning ang mga tao roon. Pero napilitan din si Jonas na sumunod matapos na abutan ng bagyo ang barkong sinasakyan niya sa dagat at lamunin siya ng dambuhalang isda (Jonas 1:4, 7).

Sa Nineve, ipinahayag ni Jonas ang ipinasasabi ng Diyos na gugunawin Niya ang Nineve. Dahil doon, tumalikod ang mga taga-Nineve sa kasamaan. Naging happy ba si Jonas? Hindi. Sabi sa Biblia, “nalungkot si Jonas at siya’y nagalit sapagkat hindi niya nagustuhan ang pagpapatawad ng Diyos sa Nineve” (Jonas 4:1). Feeling kasi niya hindi deserving ng mercy at forgiveness ng Diyos ang mga taga-Nineve.

May mga tao ba sa buhay mo, na sa sobrang inis mo sa kanila, mas gusto mo pang makita na nagdurusa sila kaysa sa patawarin ng Diyos? Maaari ngang masama sila pero ano sa tingin mo ang sasabihin ng Diyos tungkol sa mga taong ito kapag sila ay tunay na nag-repent? Mabuti pa, manalangin tayo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, may mga tao na sa tingin ko ay napakasama at hindi worthy ng Inyong forgiveness kahit magmakaawa pa sila sa Inyo. Pero hindi ko ito dapat isipin dahil mapagpatawad Kayong Diyos. Kayo ay mahabagin at mapagmahal at gusto rin Ninyong maging kagaya Ninyo ako. Help me to be like You.

APPLICATION

Tanungin mo ang Diyos kung may tao sa buhay mo ngayon na dapat mong kausapin kahit na sa tingin mo ay masama siya. Mag-share ka sa kanya about Jesus. Maging wise sa iyong pagshe-share at huwag mong ilagay ang sarili mo sa panganib. Magtiwala sa Holy Spirit na maggagabay sa iyo sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa taong ito.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 5 =