20

OCTOBER 2022

Masyado Ka Bang Busy?

by | 202210, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Deb Arquiza

Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Lucas 10:41–42

Imagine the scenario: Isang close friend mo ang nag-invite sa iyo na pumunta sa bahay niya dahil namimiss ka na daw niya. Excited ka na pumayag. Finally, makakapag-bonding na ulit kayo. Pagdating mo sa bahay niya, naabutan mo si friend na abala sa pagluluto.

Takbo rito. Takbo roon. Pinaupo ka niya sa sala, sabay sabing: “Wait lang ah, upo ka muna diyan. Tapusin ko lang ito. Ipinagluto kita. Make yourself at home.”  Lumipas ang isang oras. Hindi pa rin tapos si friend. Mag-isa ka lang sa sala at wala kang kausap. Na-experience mo na ba ito? Anong naramdaman mo?

Ganyan din ang naexperience ni Jesus noong Siya ay magpunta sa bahay ng magkapatid na sina Mary at Martha. Excited si Jesus na maka-kwentuhan sila dahil matagal na silang hindi nagkita. Pero naabutan Niyang sobrang busy ni Martha sa pag-aasikaso. Buti na lang at naroon si Mary. Umupo agad siya sa paanan ni Jesus at nakinig kay Jesus. Kahit na busy at maraming kailangang gawin, alam ni Mary kung sino ang mas importante. Mas importante ang bisita — si Jesus. Hindi niya ipinagpalit ang pagkakataon na makarinig at maka-fellowship si Jesus.

Minsan, para tayong si Martha. Sa sobrang busy natin, nakakalimutan na natin na makinig at unahin si Lord. It’s good to be reminded of Marys example in this story. Bago pa man tayo maging sobrang busy sa mga to-do lists natin, makinig muna tayo kay Lord. Natutuwa si Jesus kapag naglalaan tayo ng oras sa Kanya. We show Jesus we love Him when we choose Him over busyness.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, forgive me for being too busy and distracted. Please help me to seek You first above all else and to sit at Your feet each day. I want to know You more. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Bago maging busy sa trabaho, magspend muna ng time para maghintay at makinig kay Lord. Maglaan ng undistracted time sa pagbabasa ng Bible. Pwede mo ring i-download ang Tanglaw app or pakinggan ang Tanglaw devotionals sa Spotify at hintayin na mangusap si Lord sa iyo sa pamamagitan ng mga salitang mababasa at mapakikinggan mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 6 =