18
NOVEMBER 2023
May Forever Pa Ba?
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan.
Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman!
Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan.
Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman!
Ang Panginoon ng mga panginoon ay ating pasalamatan.
Pag-ibig niya’y tunay, laging tapat kailanman!
Awit 136:1–3
“Love? Wala nang tunay na love!” sabi ng isang dalagita.
“Ay tunay ‘yan, friend! Lahat ng mga lalaki manloloko!” pagsang-ayon ng kanyang bestie.
Nitong mga nakaraang buwan kasi, gumulantang sa mundo ng social media ang hiwalayan ng mga kilalang personalidad. Their fairytale marriage ended in painful separation. Naapektuhan tuloy ang marami. May napatanong, “Kung sila nga naghiwalay, papaano pa ako? Wala na ba talagang forever?”
Sa totoo lang, walang forever na marriage dito sa lupa dahil napuputol na ang relationship ng mag-asawa kapag isa sa kanila ang namatay. Pero may mga nagsasama nang matagal, gaya nina Luo Kaiming at Wu Guanfen ng China na nag-celebrate ng kanilang 83rd wedding anniversay about ten years ago. O nina Rowly and Elsie Olarenshaw ng Australia na umabot ng 81 years ang pagsasama.
But it’s true, all men and women like you and me are prone to failure because of sin and temptation. Walang perfect person dahil lahat naman tayo may flaws. We cannot anchor our hope solely on our partner. Pero posible pa rin ang forever na love with the author of love ― si God! Ang pag-ibig Niya ay tunay, hindi fake; ito’y tapat, walang halong bola at hindi kukupas. Siya ang tunay nating forever love. And for this reason, we can be secure and thankful. We can live knowing that we are loved forever by God when we accept Him in our heart. Jesus proved He loved us when He died on the cross to pay for our sins. ‘Yan ang standard ng pag-ibig at ‘yan ang tunay na forever.
Makakaasa pa rin ba tayo na magkakaroon tayo ng partner dito sa lupa na pangmahabang panahon? Oo naman! Pero first things first, let’s fix our eyes on the author of love, si Jesus.
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat sa Iyong tunay na ehemplo ng pag-ibig. Tinatanggap Kita sa puso ko. Salamat sa iyong pagmamahal at turuan Mo rin akong umibig ng tunay. Amen.
APPLICATION
If you are in a relationship right now and you think na hindi ito tama, ask God for wisdom and courage to do the right thing. Trust God na dahil mahal ka Niya, maganda ang plano Niya para sa iyo.