1

JANUARY 2024

May K Ka Ba This New Year?

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Yna S. Reyes

Happy new year sa inyong lahat! At dahil bagong taon, we’ll start the year with the series “Ang Tatlong ‘K’ Para sa Bagong Taon. Talakayin natin ngayon ang unang “K”.

Kaya’t nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo’y buháy pa rin ako?” Kaya’t tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.”

Genesis 16:13

Kaibigan, kumusta ang simula ng New Year para sa iyo? Magkahalong confidence and kaba siguro ang feeling mo. To encourage yourself, puwede mo sigurong sabihin na, “K, as in Kakayanin ko ito.” Or, “K, kalma lang, the best is yet to come.” Pero may tatlong K or katotohanan na puwede mong panghawakan as you start the new year. And totoo ang 3 Ks na ito — not just this year, but every year of the rest of your life.

For today, here is Katotohanan 1: Kitang-kita ka ni Lord.

Na-prove ni Hagar ang truth na ito sa gitna ng ilang kung saan siya tumakas. Pinagmalupitan kasi siya ng amo niyang si Sarah, na asawa ni Abraham. Complicated ang cause ng conflict nila, at may kasalanan din naman si Hagar dito (mababasa mo ang buong kuwento nila sa Genesis 16). 

Helpless, hopeless, and alone. Walang kakampi. At may nagawa ring mali. Dasurv niya rin siguro ang nangyari sa kanya. Kaya ine-expect ni Hagar na bahala na lang talaga siya sa buhay niya. Pero dito niya na-encounter si Lord.

Nabuksan ang mga mata ni Hagar to the astounding truth that made her say, “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.” Kita ni Lord ang past niya. Kita ni Lord ang pagkakamali niya. Kita ni Lord ang problema niya. Kahit sa gitna ng ilang, kitang-kita siya ni Lord. At hindi Niya siya pababayaan dahil may mabuting plano si Lord para sa kanya (Genesis 16: 10–12).

Ang Diyos na na-encounter ni Hagar sa ilang is the same God who is watching over you. Alam niya ang past mo. Kitang-kita niya ang pinagdadaanan mo ngayon. At may magandang plano siya sa future mo. As you begin this new year, keep this in mind: Saan ka man pumunta at anuman ang mangyari, kitang-kita ka ni Lord at hinding-hindi ka Niya pababayaan. Iyan ang katotohanan!

Tunay ngang kitang-kita tayo ni Lord. Hindi lang iyan, k…oops, bukas na lang natin tuklasin kung ano ang isa pang “K” na maaari nating maranasan sa Panginoon sa taong ito. Kaya, kita-kits tayo bukas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Ikaw ang Diyos na Nakakakita ng lahat sa buhay ko. Pinalalakas po ng katotohanang ito ang loob ko. I entrust this new year to you.

APPLICATION

Anong ibig sabihin para sa iyo ng katotohanang: Kitang-kita ka ni Lord? Kausapin mo si Lord tungkol dito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 13 =