31
DECEMBER 2023
Me, Myself, and Selfie
“Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa.”
Juan 3:30
“Happy New Year! Wohooo!” Ito ang sigaw ng buong dabarkads habang nanonood ng fireworks sa isang mall. After mag-mall, nagpunta sila sa Tagataytay, nag-boodle fight to the max as if wala nang bukas sa kanilang kainan, kuwentuhan, at bidahan.
Sabi ng unang nagpabida na tawagin nating si “Me,” “Dahil sa phone ko, ako na ang may pinakamagandang gadget sa ating magfre-friendship.” Sabi naman ng sumunod na nagpabida na si “Myself,” “Excuse me, ako lang naman ang may pinakamaraming napuntahang countries around the world sa ating magbebeshies.” At ang pangatlo namang si “Selfie” ay non-stop sa pagse-selfie. Reklamo niya, “Naiinis ako sa mga kasamahan kong writers; nag-doctorate nga pero ang grammar nila, ang sakit talaga sa bangs!” Naumay ka rin ba sa pakikinig sa kanilang usapan?
Kung nabubuhay si John the Baptist ngayon, siya ang dapat na maging barkada nina Me, Myself, and Selfie para maiwasan nila ang pagiging self-centered o makasarili. Kinukulit ng mga Pharisees noon si John the Baptist kung siya na nga ang tagapagligtas. Siya kasi ang nagbabautismo sa mga tao bilang symbol ng kanilang taimtim na pagsisisi sa nagawang kasalanan.
The four gospels even highlighted Jesus being baptized by John. Pero paulit-ulit na sinabi ni John the Baptist na si Jesus ang Anak ng Diyos at hindi siya. Na siya lamang ang tagapaghanda ng puso ng mga tao para sa pagdating ng Tagapagligtas (Juan 3:23). Itinuro rin Niya sa mga tao na si Jesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan (v. 29). Kaya sinabi niya, “Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama’y maging mababa” (v. 30). His statement is a reminder to all of us that in our lives, Jesus must increase while we must decrease. Si Jesus ang dapat na bida, hindi si Me, Myself, and Selfie.
LET’S PRAY
Jesus, I acknowledge that You have all the authority, power, and control over my life. Patawarin Ninyo ako sa aking pagiging makasarili. Pagharian Ninyo ang buhay ko. Be my Savior and Lord! Amen.
APPLICATION
If you believed in your heart and confessed that Jesus was raised from the dead to save you from sin, you are saved (Romans 10:9–10). Sa papasok na bagong taon, allow Jesus to be the center of your life. Think of ways kung paano mo Siya maipapakilala sa iba.