20
APRIL 2024
Punong-Punong-Puno ng Pag-ibig
Dahil siya’y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos.
Juan 1:16
Na-experience mo na bang magmahal sa isang tao nang sobra-sobra? How about ang buhusan ng pagmamahal ng best friend mo, or even ng parents mo? Imagine that kind of love and multiply it a million times. Ganyan ka-unimaginable and incredible ng pag-ibig ni Jesus para sa lahat ng tao. At ganyan ka Niya kamahal!
Puspos, as in punong-punong-puno to the max ang pag-ibig ni Jesus sa atin. His love for us is overflowing. Apostle John experienced this. That’s why he called himself “the apostle Jesus loved.” At ang pag-ibig ni Jesus ay reflection ng unfailing and immeasurable love and grace ng ating Diyos. Through Jesus Christ, dumating sa mundo ang kagandahang-loob (grace) at katotohanan (truth) ng Diyos (Juan 1:17).
Dahil puspos ng pag-ibig ang Diyos para sa sangkatauhan, He sent His only Son Jesus to the world (Juan 3:16). At dahil si Jesus ay puspos ng pag-ibig para sa atin, He left the glory of heaven and became like one of us (Juan 1:14). Furthermore, He gave His life for us sinners and died on the cross for our sins. “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan” (Juan 15:13).
Dear friend, never ever doubt God’s love for you. He sent His one and only Son to prove it. Instead of doubting, tanggapin mong buong-buo ang pag-ibig Niya. Believe in Jesus and receive Him into your life, and you will become a child of God, just as He promised (Juan 1:12).
LET’S PRAY
Dear Jesus, forgive me for the many times I doubted Your love. And for those times I rejected Your love outright. Binubuksan ko po ngayon sa Inyo ang aking puso. Tinatanggap ko ang Iyong puspos na pag-ibig para sa akin. Teach me to love You and to live for You. Amen.
APPLICATION
Write a love letter to Jesus. Pasalamatan mo Siya for His incredible love for you. And then, sing to Him your favorite love song.