29

JANUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Juan 8:10–11

Nanginginig siya sa takot at namumula ang mukha sa kahihiyan. Malamang nagsisisi na siya. Bakit ba kasi ako pumasok sa ganitong klaseng relasyon? Pero huli na ang lahat; nahuli siya sa akto ng mga tagapagturo ng Kautusan at dinala kay Jesus para maparusahan. “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa aktong pangangalunya. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya” (Juan 8:4–5). Pero sa halip na sumigaw ng, “Batuhin ninyo ang babaeng ito dahil nagkasala siya,” yumuko lamang si Jesus at tahimik na nagsulat ng kung ano sa lupa. At nang patuloy sila sa pagtatanong, saka lang nagsalita si Jesus, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”

Kung ikaw ang babaeng iyon, anong mararamdaman mo pagkarinig sa sinabi ni Jesus? Magtataka ka rin ba? (Dapat lang siyang parusahan ayon sa Kautusan!) Maiiyak sa tuwa? (Ligtas na siya, walang bumato sa kanya!) O mamamangha sa kahabagan at kabutihan ni Jesus? Hindi itinanggi ni Jesus na nagkasala ang babae pero hindi Niya ito pinahiya at pinarusahan. Ipinakita Niya na dumating Siya sa mundo hindi para hatulan ng parusa ang sanlibutan kundi para iligtas ito (Juan 3:17). Siya ang liwanag para sa mga namumuhay sa kasalanan, at kung lalapit sila sa Kanya at magsisisi, maliligtas sila at magkakaroon ng pag-asa’t kakayahang umiwas na sa kasalanan (Juan 8:11–12).

Gaya mo rin at gaya ko, kailangan natin ng habag ng Diyos, at hindi Niya iyon ipinagkakait sa mga nagpapakumbaba. Nauunawaan ni Jesus ang mga kahinaan natin. “Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan” (Mga Hebreo 4:16). God is merciful, and He will not condemn those who trust in Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, hindi lingid sa Iyo ang aking kahinaan. Sa kabila nito, kinahabagan Mo ako, pinatawad, at binigyan ng kapangyarihang labanan ang tukso ng mundo. Turuan Mo rin akong maging mahabagin sa iba at ituro Ka sa kanila.

APPLICATION

Paano mo ipapakita sa isang taong nagkamali ang kahabagan ng Diyos? Paano mo siya aakayin papalapit sa mahabaging Diyos?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 4 =