2

OCTOBER 2021

No More Comparing

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by M.C. Navarro

Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao’y marunong masiyahan. Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito.

1 Timoteo 6:6-7

Nagtampo ka na ba kay God kasi feeling mo, may favoritism siya? Hindi ka naman nagkukulang sa pagdarasal sa Kanya, pero bakit ganun ¼ parang mas mabilis Niyang sinasagot ang requests ng ibang tao?

Mas common na ang feeling na ito ngayon, sa panahon na babad ang karamihan sa atin sa social media. It only takes a few seconds of looking at someone’s feed bago mo ma-judge kung sino ang mas #blessed sa inyong dalawa. Madalas, we conclude na tayo ang dehado. Na napag-iiwanan na tayo. Na kulelat tayo sa buhay.

It’s so easy for us to conclude na pinapaboran ni Lord ang ibang tao kahit na alam nating lahat tayo, kinu-“curate” ang content ng social media accounts natin. We all want to project a certain image, and usually, it’s that we’re happier and more fulfilled than we actually are. Alam natin ito, pero hinahayaan pa rin natin ang sarili nating mag-give in sa inggit.

American president Theodore Roosevelt said something very wise: “Comparison is the thief of joy.” Napaka-toxic na habit nito, and yet we don’t take steps para mabura ito sa buhay natin.

Dapat gayahin natin si Paul. Isa siyang Pharisee na nag-persecute ng mga Cristiano hanggang siya mismo ay naging believer ni Jesus. Ikinulong siya dahil sa efforts niya na ipalaganap ang paniniwala niya. Sa panahong iyon, sinulatan niya ang ilan sa mga church na inestablish niya at pati na si Timoteo, ang batang missionary na minimentor niya. He could have easily spoken about how pitiful his situation is kung ikukumpara sa mga kamag-anak niyang ine-enjoy pa rin ang privileged life na meron rin siya noon. Pero hindi niya ito ginawa.

Instead, ilang beses niyang ibinahagi kung gaano kaimportante na matuto tayong makuntento o masiyahan (1 Timoteo 6:6-7;10-11; Mga Taga-Filipos 4:12). Pero siya na mismo ang nagsabing hindi umusbong ang joy at contentment sa kanya dahil spiritual heavyweight siya. Sa 1 Corinto 15:10 at Mga Taga-Filipos 4:13, inacknowledge niya na nangyari lang ito dahil sa biyaya na nanggagaling sa Panginoon.

Kung gusto mo ring manatiling joyful and content in any situation, let God do His work in you.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, umaasa ako sa biyaya Ninyo para maging kagaya ako ni Christ sa bawat area ng buhay ko. Gabayan Ninyo ako at hubugin. Baguhin Ninyo ang mga bagay na hindi ko kayang baguhin. Tulungan Ninyo akong masiyahan sa kung anong meron ako.

APPLICATION

Bukod sa tendency na ikumpara ang sarili sa ibang tao, maglista ng dalawa pang toxic habits na gusto mong alisin ni Lord sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 6 =