3

SEPTEMBER 2022

(Not) Loving the World

by | 202209, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Rebecca M. Cabral & Written by Rebecca M. Cabral

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

1 Juan 2:15-17

Natural sa atin ang mainggit sa nakikita nating meron ang iba na wala tayo. Halimbawa, yung kapitbahay mong sa gobyerno lang nagtatrabaho pero nasusunod ang layaw sa buhay — sa exclusive schools nag-aaral ang mga anak at taon-taon ay nakakapag-bakasyon sa abroad. Samantalang ikaw na middle manager, sa public schools lang nag-aaral ang mga anak at ni hindi mo madala ang iyong pamilya maski na sa pinakamalapit na resort sa Metro Manila gaya ng sa Los Baños.

Kapag nakakaramdam tayo ng inggit, alalahanin natin ang ika-sampung utos ng Diyos, sa Exodo 20:17, “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, aso o ang anumang pag-aari niya.” Marami at malakas ang pang-akit ng mundo na humahatak sa atin palayo sa Diyos. Maaaring sa iba, ito ay nasa kinahihiligan nilang sports o entertainment na ang mensahe ay labag sa kalooban ng Diyos. Yung iba naman, dahil sa ambisyong ma-promote sa trabaho, mang-aapak sila ng ibang tao o iko-kompromiso ang alam nilang tama.

Ang iba pang pang-akit ng mundo na against sa kautusan ng Diyos ay ang pagwa-walang bahala sa sakramento ng kasal. Some consider marriage as nothing but a piece of paper, pwedeng punitin anytime. This is against sa ipinag-uutos ng Diyos na ang kasal ay pang-habambuhay. Nariyan din ang paniniwala sa same-sex marriage. Kung ang mga pang-akit na ito ng mundo ay niyayakap natin, wala sa atin ang pagmamahal ng Diyos. Why? Because the love of the world cannot co-exist with the love of God.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin po Ninyo ako sa mga pagnanasa ko sa mga bagay na against sa kalooban Ninyo. Bigyan po Ninyo ako ng kalakasan na mapaglabanan ang damdaming iyon. Simula ngayon, sa Inyo ko na lamang itutuon ang aking paningin sa halip na sa pang-akit ng mundo.

APPLICATION

Anu-ano ang mga pang-akit ng mundo na pinagnanasaan mo? Isuko mo iyon sa Panginoon. Panatilihin mo sa iyong puso ang Diyos. I-memorize at pag-aralan ang 1 Juan 2:15-17.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 5 =