4
SEPTEMBER 2022
Unstoppable
“Tipunin mo ang lahat ng Judio rito sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kakain o iinom sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mag-aayuno rin kami ng aking mga katulong na babae. Pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit ito ay labag sa batas, at kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamatay.”
Ester 4:16
Nasubukan na ba ninyong bigkasin ang salitang “langgam” nang hindi nagdidikit ang mga labi ninyo? Kinaya ba ng powers ninyo? Speaking of ants, did you know na they don’t easily give up? Pwede mo silang buwagin at paghiwa-hiwalayin but they will come together and go back to working. “Ant stoppable” talaga!
Unstoppable din ang magkamag-anak na si Mordecai at Queen Esther. They both refused to bow down to Haman (Esther 3:1-4). Haman persuaded King Ahasuerus (Xerxes) to prepare a decree calling for the death of all Jews in the Kingdom (Esther 3:5-14). Nadiskubre ni Queen Esther ang masamang balak ng kontrabidang si Haman na patayin ang Jews. Nagtawag ang reyna ng isang united prayer and fasting for three days and three nights para sa Jews. Walang sinumang makapipigil sa reyna na nagsabing, “Kung dapat akong mamatay, ako nga ay mamatay.” The unstoppable queen risked her life by going to the king for help (Esther 5:1-8). They succeeded. The King honored Mordecai and granted the request of Queen Esther to reverse Haman’s decree.
Unstoppable din noon sina Shadrach, Meschach, at Abednego na tumangging sumamba sa golden image ni King Nebuchadnezzar. Ipinatapon sila sa isang fiery furnace. Paano kaya sila tinulungan ni God? Someone walked in the fire with them. God saved and protected them from death (Daniel 3:13-30).
Are you in a situation right now kung saan kailangan mong magpakita ng courage to obey the Lord? By God’s grace, you can be unstoppable too!
LET’S PRAY
Lord, You are our true unstoppable God, always ready to save us. Teach us how to obey You. Gusto po naming sumunod sa Inyo nang walang ineexpect na kapalit. Kahit masakit at mahirap, we will obey You, Lord. In Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
What did these stories teach you on how to respond when you feel pressured to do something that will dishonor God? Stand for the truth and glorify God in everything you do.