4

NOVEMBER 2022

Share with family and friends
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

 Kinausap ni Abram si Lot, “Hindi tayo dapat mag-away, at ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo. Mabuti pa’y maghiwalay tayo. Mamili ka: Kung gusto mo sa kaliwa, sa kanan ako; kung gusto mo sa kanan, sa kaliwa ako.”

Genesis 13:8–9

Tuwing oras nang kumain, madalas nagmamadali ang tao lalo na kung fried chicken ang ulam. Sino ang unang makakakuha ng paborito ng marami drumstick o kaya hita ng manok? O sa mga frequent flyers naman, sino ang makaka-book ng window seat o yung malapit-lapit sa CR? We, like most people, usually strive to get what is better lalo na kapag tayo ang may karapatan o kung tayo ang nauna. Hindi natural sa atin ang magparaya at unahin ang iba. 

Si Abram, ang nakakatandang kamag-anak ni Lot, ay isang halimbawa ng taong hindi makasarili. Abram and Lot lived right next to each other. Ang nangyari, napapadalas ang alitan ng kani-kanilang pastol dahil hindi na sapat ang pastulan para sa mga hayop ng bawat kawan. Kapuri-puri at hindi karaniwan ang naging tugon ni Abram sa sitwasyon.

Una, siya ang nag-initiate para maayos ang alitan. He thought about keeping the peace para sa ikabubuti ng lahat. Madalas nagtatagal ang mga conflict dahilwalang gustong makipagbati! Pangalawa, nagbigay siya ng solusyon na pabor sa kabilang panig. Ayon sa verse 9, “Mabuti pa’y maghiwalay tayo. Mamili ka: Kung gusto mo sa kaliwa, sa kanan ako; kung gusto mo sa kanan, sa kaliwa ako.” Sa mundo, kapag nakipag-settle ka with another party, as much as possible, sisikapin mong lamang ka o kaya’y di ka uuwing dehado. Pangatlo, inuna niya ang kanyang pamangkin. He gave Lot the right to choose first kahit bilang mas nakakatanda, siya ang tunay na may karapatan na mauna sa pagpili.

Kakaiba at kahanga-hanga ang ginawa ni Abram! Mas matimbang sa kanya na panatiliing maayos ang relationship nila ni Lot. Hindi niya inangkin kung ano ang dapat sa kanya. Ito ay isinantabi niya. Nakakapagtaka ang kanyang naging kilos dito pero later on, nagbigayproteksyon ito sa kanya. Would we have done the same? Katulad din ba tayo ni Abram na mapagparaya at mapagbigay-loob sa ating kapwa? Do we live thinking of others first?

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, salamat sa buhay ni Abram at sa magandang halimbawa na kanyang pinamana sa amin. Alam ko, Lord, hindi ko kayang gawin ang ginawa niya without Your help. Forgive my selfish ways at tulungan Ninyo akong maging mapagbigay-loob. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

In your next meal, bago ka kumain, alukin mo muna ang iyong mga kasama. Silbihan mo sila. Unahin mo sila. There is joy in putting others first.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 13 =