2
FEBRUARY 2024
Pahinga-Pahinga Rin Pag May Time
“Magpunta tayo sa isang lugar kung saan maaari tayong makapagsarilinan, at upang makapagpahinga kayo nang kaunti.”
Marcos 6:31b
Naranasan mo na ba ‘yung may nilagare kang trabaho tapos finally, makakapagpahinga ka na? Ano ang pakiramdam pagkatapos? Sense of relief ba, na mare-rewardan mo na ang sarili mo for a job well done? Or anxiety, kasi alam mong may kasunod itong bagong task?
Silipin natin ang scenario sa Mark 6:30–32. Sunod-sunod na miracles ang ginawa ni Jesus nang mga nakalipas na araw. Pati ang disciples Niya, kung saan-saan nagpunta para magturo at magpalayas ng mga demonyo. Napakarami nilang na-achieve, at napakarami pang gustong makakita at makapakinig sa kanila. Sa sobrang hectic ng schedule, halos hindi na sila makakain. Kaya ano ang ginawa ni Jesus? Niyaya Niya ang disciples na magpahinga muna.
Ha? Ibig bang sabihin nito, tinakasan ni Jesus ang Kanyang responsibilities? Paano na ang mga nangangailangan sa Kanya? Tinalikuran na lang ba Niya ang mga ito? Kung susundan natin ang kuwento sa Mark 6, makikita natin na hinarap pa rin ni Jesus ang mga taong naghahanap sa Kanya. Pinakain pa nga Niya ang mga ito — mahigit 5,000 tao!
Hindi inabandona ni Jesus ang Kanyang misyon — marami pa Siyang pinagaling na mga tao at ginawang miracles pagkatapos nito. Pero hindi rin Niya binalewala ang pahinga. Alam Niya na para maibigay ang Kanyang best, His body also needs rest. Ganun din ang Kanyang disciples. At ganun din tayo.
Huwag sana tayong ma-guilty kapag nagpahinga tayo after magtrabaho. Si Jesus nga, nagpahinga. Tayo pa kaya? Mahalaga ang time of rest and refreshing para makabawi tayo ng lakas. Kapag sapat ang ating pahinga, mas magiging ready tayong harapin ang ating next big task.
LET’S PRAY
Dear Jesus, salamat for reminding me na OK lang magpahinga. Tulungan Mo akong mag-rest at kumuha ng bagong lakas mula sa Iyo. Amen.
APPLICATION
Subukan ang Pomodoro Technique: Take a five-minute break matapos ang twenty-five minutes na pagtatrabaho. Ulitin ito ng apat na beses, then take a 15– to 30-minute break. Humanap ng meaningful things na puwedeng gawin during these times, tulad ng pag-idlip, pag-inom ng tsaa, o pagbabasa ng maikling passage mula sa Bible.
SHARE THIS QUOTE
