8

OCTOBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Alma S. de Guzman

Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

Mga Awit 119:50

Sa kahabaan ng EDSA, makikita ang iba’t ibang billboard advertisements na nagpapahiwatig ng iba’t ibang pangako sa mga consumer. Ang mga pangakong ito ang humihikayat sa bawat consumers na tangkilikin ang isang produkto.

Ang Diyos na lumikha ng langit at lupa ay nagbigay ng mga pangako sa Kanyang mga anak. Ibinigay Niya ang mga pangakong ito para magbigay ng direksyon at pag-asa sa atin. Pero paano kung ang mga pangakong ito ay tila malayo sa katotohanan? Patong-patong ang bills na babayaran. Hindi pa gumagaling ang isang family member. Magulo ang relasyon sa pamilya. Hindi pa makalaya sa masamang bisyo. Maniniwala ka pa ba sa pangako Niya? Patuloy ka pa bang maghihintay at aasa?

Sa kabila ng mga isyu ng buhay, alalahanin natin na hindi tayo nag-iisa. Sabi ng sumulat ng Mga Awit 119:50, “Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw, pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.” Hindi lang tayo ang nakakaramdam ng hirap sa buhay. Maging ang sumulat ng awit na ito ay nakaranas din ng hirap. Pero pansinin mo na sa gitna ng kahirapan, naramdaman niya ang kaaliwan ng Diyos. Mabigat man ang sitwasyon, mahirap man ang maghintay at umasa, nandoon ang Diyos at maaasahan natin ang comfort Niya at tutuparin Niya ang mga pangako Niya.

Habang naghihintay ka sa katuparan ng mga pangako ng Diyos, balikan mo ang bawat pangakong natupad na at patuloy na tinutupad ng Panginoon. Subukan mo ring bilangin ang lahat ng mga taong nagmamahal sa ‘yo, pati na ang lahat ng mabubuting taong tumutulong sa ‘yo kahit hindi mo sila kilala. Pinadala rin sila ng Diyos sa iyo para ma-comfort ka. Tutuparin ng Diyos ang mga pangako Niya. Hindi masasayang ang paghihintay mo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Diyos Ama sa langit, mabuti at tapat Kayo sa Inyong mga pangako. Maraming salamat sa Inyong pagmamahal at kabutihan. Tulungan Ninyo akong maging matiyaga sa paghihintay sa katuparan ng mga pangako Ninyo sa akin. Alisin Ninyo sa akin ang pag-aalinlangan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa linggong ito, balik-balikan mo ang mga pangako ng Diyos sa iyo na natupad na.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 2 =