7

OCTOBER 2021

Napapakinabangan Mo ba ang mga Pinagpaguran Mo?

by | 202110, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Shekinah Grama & Written by Michellan Alagao

Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao’y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Ang

Mangangaral 3:13

May mga gabi ba na sa sobrang pagod mo, hindi ka na kumakain ng dinner pag-uwi sa bahay at natutulog ka na lang? May mga araw ba na sinasabi o iniisip mo, naku saka na ako mage-enjoy, magtratrabaho muna ako habang kaya ko pa. Overtime lang ng overtime!

May mga oras sa buhay at trabaho natin na tinatawag na “crunch time” at kailangan nating mag-extra effort, magpuyat, at kumayod nang kumayod. Pero hindi normal na halos araw-araw ng buhay natin ganoon na lang. Be honest: Napapakinabangan mo pa ba ang mga bagay na pinagpaguran mo? Nakakapag-relax, enjoy, o celebrate ka pa ba?

Sabi nga ng Christian writer na si Richard Foster, “Celebration is a discipline.” Ang prayer, fasting, at iba pa ay tinatawag na spiritual disciplines. Ang celebration ay isang spiritual discipline din, sapagkat kalooban ng Diyos na kumain at uminom tayo nang maayos. Kalooban din Niya na ma-enjoy natin ang mga bagay na pinagpaguran natin at makapagpahinga tayo. Minsan, nang hindi na makakain ang mga alagad ni Jesus dahil sa dami ng mga taong dumarating at gustong makinig sa Kanya, niyaya sila ni Jesus na magpunta sa isang lugar para makapagsarili at makapagpahinga (Marcos 6:31).

Kailan ka huling nanood ng sine, namasyal ng weekend, o nag-bakasyon kasama ang pamilya o barkada? Pakinabangan natin ang bunga ng ating pinagpaguran. I-enjoy at i-celebrate natin ang blessings ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, napakabuti po Ninyo. Hindi Ninyo nais na mapagod lang ako at hindi mapakinabangan ang aking pinagpaguran. Nagpapasalamat ako sa ibinigay Ninyo sa aking lakas at dunong para makapagtrabaho. Kayo ay isang mabuting Ama at mapagmahal na Diyos. Maraming salamat sa reminder na ito.

APPLICATION

Maglista ng sampung bagay na puwede mong gawin para makapag-relax o enjoy. Sikapin mong gawin ang isa sa mga bagay na ito once a week. Magpasalamat ka sa Panginoon sapagkat Siya ang Diyos na nagmamalasakit sa iyo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 2 =