21

AUGUST 2023

Paralyzed with Fear

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Edwin D. Arceo

Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mga Taga-Roma 8:38–39

Madali ka bang matakot sa mga tao, bagay, o lugar? Sa ipis, daga, spiders, sa dilim, matataas na lugar, mga kahina-hinalang tao … the list can go on and on. Kapag na-encounter mo ang mga ito, you are paralyzed with fear. Hindi ka makakilos o makakibo lalo na kung nag-iisa ka. Nakakasagabal tuloy ito para magawa mo ang plano ni God para sa buhay mo.

Well, sabi ni God sa Romans 8:38-39 (ESV), “For I am sure that neither death nor life, nor angels nor rulers, nor things present nor things to come, nor powers, nor height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord.” Physical man or spiritual things ang kinatatakutan mo, makakaasa kang hindi ka iiwanan ni God!

Kapag isinapuso mo ang katotohanang ito, magbibigay ito sa iyo ng sobrang kapayapaan, tapang, at pagtitiwala kay God. Siyempre, kailangan mo rin namang harapin ang mga bagay na kinatatakutan mo with proper awareness at caution. Halimbawa, takot ka sa matataas na lugar. Maingat kang umakyat sa building na may maayos na railings, kahit sa 3rd floor lang. Isungaw mo ang ulo mo at tumingin ka sa ibaba. Sa simula, makakaramdam ka ng panghihina o pagkahilo. Pero dahil nagtiwala ka na kay God, maniwala ka na kasama mo Siya sa lugar at oras na natatakot ka. Mararamdaman mo na lang na lumalakas ang loob mo at nawawala ang iyong takot.

Ganun din ang gawin mo sa iba pang kinatatakutan mo. Do not be paralyzed with fear, but rather, trust God. Tuwing matatakot ka, isipin mong kasama mo ang Diyos at hindi ka mahihiwalay sa Kanya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa pangako Ninyo na sasamahan Ninyo ako palagi sa mga lugar at pagkakataon na natatakot ako. Totoo ang lahat ng sinasabi Ninyo at dahil dito buong puso akong nagtitiwala sa Inyo. I pray this in Jesus’ name. Amen.

APPLICATION

Marami pang Bible verses na nagsasabing kasama mo ang Diyos. Basahin mo ang Isaiah 41:10; Joshua 1:9; Matthew 28:20; at John 14:16-17 para mas malaman mo kung paano ka sinasamahan ni God.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 1 =