22

AUGUST 2023

Crab Mentality

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Timmy Yee

Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan.

Marcos 7:21–22

Dalawang babae ang nagbubulungan sa tapat ng bahay ng kanilang kababata. Sabi ng isa, “Taga-Customs kasi ‘yan kaya yumaman.” Sagot naman ng kasama, “Ay, malamang corrupt iyan.”

Di nila napansin na nakatingin pala sa kanila ang kanilang kababata at naririnig sila.   Sumagot tuloy ito ng, “Hindi ako taga-Customs. May negosyo akong importation. Magandang araw sa inyo.” Saka ito tumalikod at umalis.

Naging biktima ka na ba ng ganitong pag-iisip at usapan ng mga tao? Ang mag-isip ng mali sa kapwa at siraan ang kanilang puri, marahil ng dahil sa inggit. Sa Filipino setting, “crab mentality” ang tawag dito. Kapag may isang umaangat, ibinababa naman ng iba. Isa itong takbo ng pag-iisip at gawi na madalas normal na sa atin. Inggit ang kadalasang nagdudulot ng ganitong pag-iisip. At ayon kay Jesus, sa puso ng tao nagmumula ang masasamang isipan na nag-uudyok sa ating gumawa ng kasamaan gaya ng pagkainggit (Marcos 7:22).

Philippians 2:3 (NIV) says, “Do nothing out of ambition or vain conceit, but in humility consider others better than yourself.” Ito ang mentalidad ng isang taong nagtitiwala sa Diyos. Iniisip niya ang kabutihan ng kapwa at kung ano ang makakabuti para sa kanila. Kung tayo ay umaasa na ang Diyos ang bahala sa atin, walang magiging puwang ang inggit. Kung nakaaangat sa buhay ang iyong kaibigan o kapitbahay, maging masaya para sa kanila. At umasang darating din ang kaginhawaan sa iyong buhay ayon sa plano ng Diyos para sa iyo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, tinatanggap ko ang kapatawaran Ninyo. Linisin Ninyo ang aking puso para hindi ako makapag-isip ng mali sa aking kapwa. Nawa’y maging pagpapala ako sa lahat ng tao, nakaaangat man sila sa buhay o naghihirap, upang makilala din nila Kayo bilang Diyos at Tagapagligtas. Amen.

APPLICATION

Kung may na-offend kang tao dahil sa “crab mentality,” hindi pa huli ang lahat. May panahon pa para ayusin mo ang maling nagawa mo. Maaari kang humingi ng paumanhin sa taong iyon, o maging encouragement at totoong kaibigan sa kanya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 12 =