20

AUGUST 2023

Blessing in Famine

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Adajar-Velves

Nang taong iyon, si Isaac ay nagsaka sa lupain ng Gerar at makasandaang ibayo ang kanyang inani kaysa kanyang itinanim. Pinagpala siya ni Yahweh.

Genesis 26:12

Nag-ipon si Marley at ang kanyang mister para sa kanyang panganganak. Hanggang sa makilala nila sa ospital ang mag-nanay na sina Yolly at baby James. Kailangan ng operasyon ni baby James pero kulang pa ang pera ni Yolly. Nang marinig ni Marley na ang perang kailangan para maoperahan si James ay sakto sa amount ng naipon na nila, nangusap ang Diyos sa kanila para ibigay ito ng buo. Bagama’t may malaki ring pinaghahandaan sina Marley, sumunod sila sa tinig ng Panginoon. Hindi man sila makakabili muna ng gamit ng magiging baby nila, they would still say, “Lord, we trust in You.”

Kaya abot-langit ang naging saya nila nang bigyan sila ng surprise baby shower at nakatanggap sila ng kumpletong gamit ng maging baby nila. Ngunit hindi natatapos dito ang sorpresa sa kanila ni God. Her husband received a call from another company. May offer para maging vice-president siya ng company with free housing, car, and a huge amount of bond na matatanggap niya sa paglipat. Nagulat sila na ang perang matatanggap ay saktong budget para sa panganganak ni Marley hanggang sa siya ay makapagpagaling. Grabe ang naging pagpapala ng Panginoon nang sila ay sumunod!

Ganito rin ang naranasan ni Isaac sa Biblia. Sa gitna ng taggutom, pinigilan siya ng Diyos na pumunta ng Egipto, at sa halip ay pinagtanim siya sa Gerar kung saan kasalukuyan siyang naroroon (Genesis 26:1–3). Kahit mukhang imposible ay sumunod siya sa sinasabi ni God dahil nangako ito na pagpapalain ang kanyang lahi (v. 4). And true enough, God blessed him a hundred-fold that year. Walang famine, walang boundaries ang makakapigil sa pagbuhos ng biyaya ng Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Lord for this reminder na kahit sa gitna ng taghirap, kaya Ninyo akong pagpalain. Help me to obey You, not just because I am sure You will bless me, but because I want to honor Your powerful name. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Is God directing you to help someone? Or do you feel that He is leading you to give to the ministry of CBN Asia? If so, click the Support CBN ASia button (or the heart icon in the app) and you will receive direction on how to give. Follow God’s leading and for sure, He will bless you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 13 =