24

MAY 2023

Parent for All Season

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Honeylet Adajar-Velves

Welcome sa last part ng ating series na “Paalala sa Parents.” Whether you are a parent or not, you should not miss today’s message.

Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro’ng galak.

Awit 127:3

Parent ka ba ng isang newborn at laging puyat? O nanay ka ba ng toddler na sobrang likot? Baka naman tatay ka na napagod na sa kasasaway sa anak mong elementary student na laro nang laro ng tablet. Kailangan ninyo nang sagutan ang assignments niya sa school. O di kaya naman, magulang kang kakaba-kaba kung nasaan na ang teenager mo, e gabing-gabi na. Maaaring nakapagpalaki ka na ng anak pero pinoproblema mo naman na hindi pa siya makahanap ng trabaho. Anuman ang edad ng anak mo, hindi natitigil ang pagiging magulang at kalakip noon ang challenges ng paggabay sa kanila. Kaya naman kung may “Star for All Season,” ikaw naman ang maituturing na “Parent for All Season.”

Bilang magulang, you are mandated to train up a child in the way he should go, so that even when he is old, he will not depart from it (Proverbs 22:6). Ngunit gaya ng mga naunang halimbawa, hindi talaga madali ang maging parent. Madalas, ikaw na gumagabay ay naghahanap din ng guidance para mapalaki ang anak mo. Sa point na ito, magandang alalahanin na children are a gift from God (Psalm 127:3). At Siya na nagbigay sa iyo ng anak ay may binigay ding manual sa parenting — ang Biblia. He has also set the best example of being a good Father to you.

Kaya sa tuwing mararamdaman mo na nade-drain ka na, remember how God the Father loves you. Kahit minsan makulit ka, paulit-ulit ka pa rin Niyang minamahal. Kahit na kagaya tayo ng mga anak natin na minsan ay hindi sumusunod o nagmamaktol, hindi pa rin Niya tayo itatakwil. Gayahin natin ang Diyos Ama sa pagpapalaki ng ating mga anak.

Maraming salamat sa inyong pagsama sa amin sa pagtalakay ng mga “Paalala para sa Parents.” Tandaan, ang lahat ng paalala ng DIyos sa atin ay para sa ating ikalalago. Tune in again tomorrow for a fresh revelation from God’s Word!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po for blessing me with a child. Tulungan Ninyo akong i-train ang anak ko habang lumalaki siya. Give me the grace to love him/her even more, lalo na sa mga panahong mahirap po itong gawin.

APPLICATION

It is very powerful to cover your child in prayer kaya naman swipe left para isulat ang pangalan ng iyong anak sa Prayer List. Consistently pray for him/her.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 12 =