29

NOVEMBER 2022

Pressured? Give Thanks!

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Jericho Arceo & Written by Jeaneth DP. Panti

Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Awit 7:17

Gone are the days na pahina lamang ng diary ang nakakaalam ng ating mga saloobin at secrets. Sa panahong one click away na lang at mashe-share mo na sa mundo ang opinions at current emotions mo, hindi na bago ang makakita sa social media ng kabi-kabilaang rants. It’s very easy for us to share what’s on our minds, kahit pa ito’y negatibo at maaaring makasakit ng ibang tao.

Bukod sa madali tayong makabasa at makarinig ng mga negatibong saloobin, lagi pa tayong pressured. Kumbaga, para tayong Coke sa loob ng cans na sine-shake ng stress, unmet expectations, unfulfilled goals, broken relationships, and stained self-worth. We live in constant pressure dulot ng ibang tao o minsan ng ating mga sarili mismo. Kapag hinayaan nating i-weigh down tayo ng pressures na ito, maaari tayong sumabog.

Kaya naman, tinuturuan tayo ng Biblia na magpasalamat. Psalm 7:17 teaches us to have a grateful heart: “Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.” Ine-encourage tayo ng Diyos na magpasalamat dahil sa Kanyang katarungan at iba pang kahanga-hangang qualities. Sabi nga, “Gratitude is a form of worship.” We worship God each time we thank Him. Pero when we spend much of our energy complaining, we forget how blessed we are. Sa halip na sumabog tayo tulad ng inalog na Coke in can, hindi ba’t napakaganda kung mag-pour out mula sa atin ang praise and thanksgiving sa Diyos?

Halika, manalangin at magpasalamat tayo sa Diyos.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, I regret saying negative words na nakasakit sa Inyo at sa ibang tao. Salamat sa Inyong pagpapatawad. Ipaalala Ninyo sa akin na maging mapagpasalamat sa lahat ng bagay at maging mas responsible sa bawat salitang aking bibitawan. Amen.

APPLICATION

Tuwing may gusto kang i-share sa iyong social media accounts, pause and think kung makakabuti sa iba ang ipo-post mo. Humingi ng wisdom at gabay sa Panginoon. At araw-araw, piliin mong magpasalamat.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 3 =