2
SEPTEMBER 2021
Q&A with God
Mga Hebreo 10:38
Nagkaroon ang Propetang Habakuk ng chance na gawin ito. Laganap ang kasamaan at karahasan sa kanyang bayan, kaya tinanong niya sa Panginoon kung hanggang kailan siya hihingi ng tulong bago siya pakinggan (Habakuk 1:2). Lalo siyang nagimbal dahil may nakaamba pa palang pagsalakay ng Babilonia. Nangyayari ang mga ito sa mga Israelita dahil sa kanilang sinful lifestyle, disobedience, at pagsamba sa diyos-diyosan na nagtagal ng maraming henerasyon. Hindi matanggap ni Habakuk na pati ang mga tapat kay Lord ay nadadamay sa karahasan. Naitanong niya tuloy: Bakit ang banal na Diyos ay hindi kumikibo habang pinupuksa ng mga masasama ang mga mabubuti?
Ito ang reassurance na nakuha niya galing sa Panginoon: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya” (Habakuk 2:4). Eventually, nangyari ang ipinangako ng Diyos kay Habakuk—bumagsak ang Babylon, ngunit nagpatuloy ang existence ng Israel, ang Kanyang chosen people.
Ang paghimok ng Panginoon to live by faith ay inulit ng sumulat sa mga Hebreo: “Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Binigyan diin din ito sa Hebreo 11:6 kung saan nakasaad that without faith, we cannot please the Lord. This shows kung gaano kaimportante ang pananalig.
Anuman ang “bundok” na kinahaharap mo ngayon—be it the seemingly insurmountable problem of financial insecurity, sickness, or a serious injustice, keep your faith in God. Know that the Lord is there with you. Tutugunin Niya ang mga tanong at hinaing mo, and His goodness will triumph in the end.