1

SEPTEMBER 2021

Sigurado Ka ba Kung Saan Ka Pupunta?

by | 202109, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Shekinah Grama & Written by Joshene Bersales

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16

“We’re too young to be meeting up like this,” malungkot na comment ni Paulo sa kanyang former classmates.

Pitong buwan matapos ang kanilang college graduation, nagkaroon ng impromptu get-together ang class. Bakit? Pumunta sila sa lamay ng isang kaklase, na namatay sa isang sports related-accident three days ago.

It’s always a shock kapag may namamatay sa isang aksidente. Hindi nakakapag-prepare ang pamilya sa kanyang biglaang pagkawala. Pero hindi ba mas nakakatakot ito para sa namatay? Lalo na kung hindi siya sigurado kung saan siya pupunta after death.

Saan nga ba tayo pupunta when we die? Sabi sa Mga Taga-Roma 3:23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” Idugtong mo rito ang Mga Taga-Roma 6:23a: “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan …” Nakakatakot isipin na we’re all sinners at dahil dito, lahat tayo ay mamamatay. At hindi lang ito physical death, kundi second death, o ang eternal separation from God’s grace and mercy.

Is there hope of escaping eternal death? Meron! Sabi sa Mga Taga-Roma 6:23b, “ … ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.” Paano natin mase-secure ang eternal life? Read one of the best known verses in the Bible: Juan 3:16. Malinaw ang sabi ni Jesus. Sinuman ang manampalataya sa Kanya ay hindi mamamatay (second death), but will have eternal life. Only by accepting Jesus’ death on the cross as the only means to our salvation can we have assurance na maliligtas tayo. Only by His grace can we be saved.

Sigurado ka na ba sa pupuntahan mo when you pass away? Search your heart at siguruhin where you stand with God. When you’re assured of your salvation, hindi mo na katatakutan ang kamatayan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, inaamin kong isa akong makasalanan. Patawarin po Ninyo ako. Tinatanggap ko Kayo bilang aking Diyos at Tagapagligtas. Salamat sa Inyong pagpapatawad at sa kasiguraduhan na makakasama ko Kayo for eternity. Amen.

APPLICATION

Mag-reflect sa relationship mo with Jesus. Kung hindi ka pa sigurado kung saan ka pupunta when you die, take this opportunity to accept Him as your Lord and Savior. Kung sigurado ka na, take the time to thank Jesus para sa Kanyang gift of eternal life.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 7 =