28

NOVEMBER 2023

Rest in Jesus till He Returns

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Prexy Calvario

Welcome back to our series, “Jesus in the Old Testament Feasts” kung saan tinitingnan natin how the feasts actually point to the Lord Jesus. Let’s now look into how the Feast of Trumpets is a type of an important event for the followers of Jesus.

Sa araw na iyon kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababâ ang Panginoon mula sa langit. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ay bubuhayin muna. Pagkatapos, tayo namang mga buháy pa at natitira ay titipunin sa alapaap kasama ng mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa gayon, makakapiling natin siya magpakailanman.

1 Mga Taga-Tesalonica 4:16–17

One amazing trivia about the trumpet is that it can produce a very loud sound. Ang pinakamalakas na tunog ng trumpeta ay umaabot ng 110 decibels — mas malakas pa sa tunog ng jet plane kapag nagte-take off! 

Para sa mga Jew, ang tunog ng trumpeta sa unang araw ng ikapitong buwan ay hudyat ng tigil trabaho (Numbers 29:1) dahil simula na ito ng pagdiriwang ng Pista ng mga Trumpeta. Ang Feast of Trumpets o Rosh Hashanah ay ipinagdiriwang ng mga Jew alinsunod sa kautusan ng Diyos noon pang panahon ni Moses (Leviticus 23:23–25). 

Sa mga Jew, ang trumpeta ay ginagamit sa iba’t ibang paraan: sa pagtawag para sa pagtitipon, simula ng pista o pagsugod sa isang laban. Ngunit sa Pista ng mga Trumpeta, ito ay pag-anyaya sa lahat na simulan na ang paghahanda para sa Araw ng Pagtubos ng Kasalanan o Day of Atonement. Nakatakda silang magbigay ng mga burnt, food, drink, and sin offerings sa Panginoon (Numbers 29:2–6). Hanggang sa kasalukuyan ay ipinagdiwang pa rin ito ng mga Jew. 

Significant ang role ng trumpeta sa Second Coming ni Jesus Christ. Sa Matthew 24:31, sinabi ni Jesus na sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta ay titipunin ng mga anghel ang lahat ng Kanyang hinirang sa muli Niyang pagbabalik. Sinulat din ni Apostle Paul na sa malakas na hudyat ng trumpeta ay mabubuhay muli ang mga nauna nang namatay kay Cristo at susunod ang mga nabubuhay pang believers at titipunin sila sa alapaap (1 Mga Taga-Tesalonica 4:16–17). Ang Pista ng Trumpeta ay paalala sa mga anak ng Diyos na babalik muli si Jesus bilang Hari. Habang hinihintay natin ang araw na iyon, God is calling us to rest in His presence and be ready for His return.

Join us again tomorrow for the last part of our series, “Jesus in the Old Testament Feasts.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, salamat dahil tinawag Mo kaming mamahinga sa Iyong presensya. Tulungan Mo kaming patuloy na magtiwala sa Iyo at mabuhay nang kalugud-luogod sa Iyo hanggang sa tawagin Mo kami sa hudyat ng trumpeta.

APPLICATION

Basahin ang 1 Thessalonians 4:16–18. How can you encourage someone habang naghahanda sa pagbabalik ni Jesus? Be an encouragement today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 3 =