2

MARCH 2021

Sa Buhay o Sa Kamatayan Man

by | Devotionals, Faith, You

Share with family and friends

Narrated by Lucille Talusan

Ang aking pinakananais at inaasahan … sa lahat ng panahon ay buong tapang kong mapangaralan si Cristo sa buhay o sa kamatayan man. Sapagkat para sa akin, si Cristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang.

Mga Taga-Filipos 1:20-21

Marami ang nagulat sa biglaang pagpanaw ni Benjie Llorente, isang kababayan natin na nagtrabaho bilang Performing Arts Coordinator, Music Teacher, at Conductor sa isang international school sa Indonesia. Forty years old lamang siya, ngunit walang pinipiling edad ang hemorrhagic stroke.

Nakaka-amaze ang pagdaloy ng pakikiramay at pagmamahal para kay Teacher Benjie at sa naiwan niyang asawa and two daughters. Sinagot ng eskuwelahan at ng mga magulang ng mag-aaral ang pamasahe ng kanyang mga kamag-anak na nagbiyahe mula Siquijor, America, at Canada. Sagot din nila ang accommodation at pagkain ng mga bisitang bumiyahe sa Indonesia para makadalo sa kanyang funeral service.

Bukod dito, ginawang holiday ang araw ng kanyang libing para makapunta ang kanyang mga estudyante. Sa necrological service, 156 na estudyante ang umawit at tumugtog ng mga instrumentong itinuro sa kanila ni Teacher Benjie. Ayon sa mga nagpatotoo, kulang pa ang mga inalay nilang serbisyo, tulong pinansyal, at pag-aasikaso kumpara sa mga ginawang kabutihan sa kanila ni Teacher Benjie. Ayon sa kanila, lahat ay kinakitaan ni Teacher Benjie ng potential na umawit o tumugtog ng instrumento—sila man ay estudyante, magulang, o janitor. Inencourage din niya ang kanyang mga estudyante na mag-excel hindi lamang sa music kundi lalo na sa academics. Ishinare ni Teacher Benjie sa mga taong nakasalamuha niya ang gifts and talents na ibinigay sa kanya ni Lord.

Dahil sa kanyang naging impact, gumawa ang school ng “The Benjie Llorente Memorial Award,” isang annual award na ibibigay sa Senior student na nagpamalas ng Christ-like character na gaya ng ipinakita ni Teacher Benjie. Nag-iwan ng marka ang buhay ni Teacher Benjie dahil he lived a life that glorified Christ.

Ito rin ang pinakananais ni Apostle Paul para sa kanyang buhay—ang mapangaralan si Cristo sa buhay o sa kamatayan man. Kapag ang buhay natin ay sumasalamin sa character ni Christ, gaya ng love for others and selfless service, kahit sa kamatayan ay magiging kapaki-pakinabang pa rin ang ating buhay. Gaya ni Apostle Paul at ni Benjie Llorente, kahit wala na tayo sa mundong ito, patuloy na magsisilbing inspirasyon ang ating buhay sa mahabang panahon. Our lives shall continue to glorify God.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Lord Jesus, help me to be more like You. Ituro Ninyo sa akin ang areas ng buhay ko na dapat kong baguhin para maging kawangis Ninyo. Tulungan Ninyo akong mag-excel sa gifts and talents na ipinagkaloob Ninyo sa akin and to use these gifts to make a positive impact even after this life.

APPLICATION

Think of the legacy you want to leave behind. Include three specific contributions you would want to make for the future generations that will bring glory to God. Let this serve as an inspiration for you to achieve God’s glorious purpose for your life.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 6 =