24

OCTOBER 2023

Sagot ni Lord ‘Yan

by | 202310, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by PMVClapano

“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.

Mateo 6:28–29

Ilang buwan na lang at ikakasal na si Zia pero labis ang kanyang pag-aalala kung makakahanap pa siya ng wedding gown na pasok sa budget niya. Na-diagnose kasi siya na may autoimmune condition kaya napunta ang kanyang ipon sa pagpapagamot. Halos ubos na ang naiipon niya para sa kasal. Sa kanyang pag-iikot sa mga shop, nakita niya ang isang wedding dress na talagang may “this is it” factor at napakamura lang. Sa kabutihan ng Diyos, sinagot ng kapatid niya ang pambili dito. Pero sa mismong kasal ay iba ang wedding gown na sinuot niya. Isa kasi sa mga bestfriend niya ang nagbigay ng isa pang wedding gown na hindi lamang mamahalin at saktong-sakto sa kanya, kundi ang design na pangarap niyang isuot.

According to Maslow’s hierarchy of needs, essential ang clothing for human survival. Kasama ito sa mga una nating pangangailangan. Syempre nga naman, hindi tayo makakahanap ng trabaho o makakapasok sa mga establishment kung wala tayong maayos na damit.

Alam mo ba na God cares even for the clothes we wear? Kailangan mo ng damit? Sagot ni Lord ‘yan! Sabi niya sa Mateo 6:31-32, “Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan.” Kaya pala nire-remind tayo ng Bible na huwag mag-worry tungkol sa bagay na ito kasi God knows what we need, and He will provide. Kapag ipinagkatiwala natin kay Jesus even the smallest concern natin sa buhay, He will give us what we need. And take note, hindi lang needs natin ang kaya ni Lord i-provide, He can also give us what we truly want.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for caring about me. Salamat na alam Mo ang aking mga pangangailangan whether it’s food, clothes, pera, matitirhan, o anupaman. Ipinagkakatiwala ko po sa Iyo ang aking alalahanin at nananampalataya ako na hindi Mo po ako pababayaan pati na ang aking pamilya.

APPLICATION

Ano ang worries at needs mo sa ngayon? Puwede mo itong isulat sa Prayer List gamit ang app na ito. You can also share it with your trusted friend para maipag-pray ninyo, or partner with CBN Asia Prayer Center by calling 8-737-0-700 or texting 0919-060-7567.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 10 =