11

SEPTEMBER 2024

Salita Mo’y Aking Tanglaw

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

Awit 119:105

Sa isang eksena sa The Wizard of Oz, tinatanong ni Dorothy kay Scarecrow if she will go left or right. Papunta siya sa Oz. Pa-left ang tamang daan. Tuwing tatanungin ni Dorothy si Scarecrow kung left nga, ang sinasagot ni Scarecrow ay “Right.” Kasi tama si Dorothy. Paulit-ulit ang tanong ni Dorothy dahil nakakaduda ang sagot ni Scarecrow. “Correct” na lang sana ang sinabi niya!

Madalas may mga salitang nagdadala ng kalituhan. Imbes na lumiwanag ang iyong isipan, lalo ka pang napapahamak. Kagaya na lang ng pangako ng isang drug pusher na si Jack. Para hikayatin si Ellen na gumamit ng drugs, sinabi ni Jack na di kailangang matakot si Ellen kasi safe naman; besides, everyone else is doing it. Nakinig si Ellen at ang ending, na-addict siya, at tuluyan nang napariwara ang buhay niya. Si Brenda naman, napagsabihan ng guro na wala na siyang pag-asang grumaduate at dahil dito she got depressed. Is there hope for Ellen and Brenda?

Kailangan nila ng tanglaw, ilaw na dadaig sa kanilang kadiliman. Ilaw na gagabay sa kanila sa tamang daan. Hindi salita ng tao o salita ng mundo ang makapagbibigay ng angkop na liwanag, kundi ang salita ng Diyos. Ayon sa Awit 119:105, para itong flashlight na gagabay sa atin in the dark. Sapat ang sinag ng maliwanag na flashlight para makausad tayo safely, matanaw ang ating pupuntahan, at makaiwas sa anumang disgrasya.

Sabi ni God, “Nothing, not one thing, can separate you from My love.” Anuman ang kaharap mo, di ka iiwan ng love ni God. He has more than enough light to dispel the darkness you are experiencing. Mapaghuhugutan ng mga kagaya nina Ellen at Brenda ng lakas at pag-asa ang katotohanang ito.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, saklolo! Kailangan ko po ang tanglaw ng Inyong salita. Gabayan po Ninyo ako step by step hanggang malagpasan ko po ito, sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Isara ang lahat ng ilaw sa iyong silid, Kausapin mo si Lord tungkol sa iyong pinagdadaanan. Pray for His guidance, switch on a flashlight o kahit ilaw ng cellphone, and read God’s promise in Proverbs 3:56 from your Bible.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 5 =