23

APRIL 2022

Selfless Leadership

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Joshene Bersales

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.

Marcos 10:45

If you Google “nation’s leader,” lalabas sa top results ang mukha at pangalan ni JR ng music group na NU’EST. Nabansagan siyang “nation’s leader” dahil three times siyang piniling mag-lead ng iba’t ibang grupo during a 2017 Korean reality TV show. Napanood ng maraming tao ang wise and selfless leadership ni JR, sometimes helping out his teammates first bago niya pag-aralan ang sariling parts para sa isang kanta.

Throughout history, marami pang ibang nakilala for their selfless leadership, tulad nina Martin Luther King Jr. at Nelson Mandela. Sa Bible, nariyan si Moses, who interceded for the Israelites tuwing nagkakasala sila sa Diyos (Exodus 32:32; Numbers 12:13), at si Joshua na inasikaso muna ang inheritance ng kapwa niya Israelita sa Promised Land bago niya hiningi sa Lord ang kanyang share (Joshua 19:49–50).

But when it comes to selfless leadership, wala nang mas hihigit pa sa example na ipinakita ni Jesus. Kahit na Siya ang leader ng kanilang grupo, hindi Siya nag-atubiling hugasan ang mga paa ng Kanyang disciples during their Passover meal (John 13:1–17). He could have demanded one of them to wash His feet, dahil Siya ay Diyos at kanilang guro. Instead, pinili Niyang paglingkuran sila. Pagkatapos, itinuro Niya ang isang napakahalagang aral: “Kung ako ngang Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa’t isa. Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan” (Juan 13:14–15).

Are you in a position of leadership right now? Maaaring ito’y sa iyong pamilya, school, or office, o isang organization. Let us remember Jesus’ example and reminder. Just as He served His disciples, sikapin rin magpakita ng godly service sa ating followers.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, tulungan Mo po akong sundin ang Iyong halimbawa at maging isang selfless na leader sa aking grupo.

APPLICATION

Basahin ang tungkol sa buhay ng isang selfless leader, sa government man o isang private institution. Then swipe left para isama siya sa iyong prayer list.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 1 =