18
FEBRUARY 2022
Struggling with Unforgiveness
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.
Mga Taga-Roma 12:14
Mahirap patawarin ang taong nagkasala sa atin, lalo na kung “below the belt” ang nagawa nila. Minsan, kahit humingi pa sila ng kapatawaran, nahihirapan pa rin tayo na magpatawad at maging OK na ulit ang pakikitungo sa taong nakapanakit satin.
Nangyari na ba ito sa iyo? Siguro minsan nahihirapan ka kung paano ka magpapatawad kahit alam mo na ito ang dapat gawin. Isipin mo na lang, What would Jesus do? Ito ay magandang itanong sa sarili tuwing nakaka-encounter tayo ng ganitong eksena sa buhay. Natatandaan mo ba kung ano yung sinabi ng Panginoong Jesus sa Ama habang Siya ay nakapako sa krus? Ang sabi Niya, “Then Jesus said, “Father, forgive them, for they do not know what they do” (Luke 23:34, NKJV).
Instead of cursing those who betrayed, mocked, tortured, and asked for His death, Jesus asked the Father to forgive them. May mas masakit pa ba sa ginawa sa Kanya ng mga taong tinuruan Niya habang nandito Siya sa lupa? Iniwan Siya ng Kanyang mga disipulo. One betrayed Him and the other denied Him three times. Naranasan din ni Jesus ang mga bagay na nararanasan natin at mas malala pa dito. Kung nahihirapan tayong magpatawad, humingi tayo ng tulong sa Kanya.
LET’S PRAY
Heavenly Father, I am struggling with unforgiveness right now. Please help me to bless and forgive this person who wronged me as You have also blessed and have forgiven me of my sins. Ipaalala po Ninyo sa akin na magpatawad at magpakumbaba.
APPLICATION
Lumapit sa ating Panginoon at manalangin. Ipanalangin ang sarili na magawang mag-forgive sa taong nagkasala sa iyo. Sabayan na rin ng Bible reading na focused sa forgiveness para mas maunawaan kung bakit natin kailangan magpatawad.