20

AUGUST 2021

Submitting to Authorities

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Binoy Sadia & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila’y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila’y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.

Mga Hebreo 13:17

It’s hard to submit lalo na kung hindi credible ang person in authority. Maraming kuwento ng lasenggerong tatay na hindi nirerespeto ng anak. Hirap sumunod si misis sa desisyon ng indecisive na asawa. Mabigat sa loob ng isang employee na gawin ang utos ng boss na laging late dumating sa office. Nakakapanlumo ring sumunod sa batas at magbayad ng tax kapag naririnig ang balita tungkol sa corruption. But the Bible says we have to submit to authority.

It may be hard to believe at times that it is God who placed these people in their position. Maaaring pagdebatehan pa nga ito ng iba. Pero ultimately, ang mga taong ito ay may pananagutan sa Panginoon with the responsibility that is given to them. As followers, our role is to submit to authority as long as it does not involve committing crimes and is still in accordance with the Word of God. Submission is an everyday choice and commitment.

May iba’t ibang motivations tayo sa pagsunod. Minsan, natatakot tayo sa sanctions or consequences. O kaya naman, gusto nating magpakitang gilas kapalit ang isang bagay. Mayroon din namang gusto talaga ng peace and order kaya sumusunod. But every time we submit, let us be reminded that we are submitting to the authority not only of men, but most importantly, of God. In this way, our submission will be glorifying to the Lord.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, give me a heart that submits to You and to those whom You have placed in authority. Gabayan Ninyo ang mga pinuno namin para lagi silang mamuno nang may kaayusan at katarungan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Always pray for the leaders of our country and local community. Ganoon din sa mga taong in authority sa ating workplace and household.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 1 =