21

AUGUST 2021

Faith Tested by Fire

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Binoy Sadia & Written by Beng Alba-Jones

Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon at mula sa inyong kapangyarihan. Kung hindi man niya kami iligtas, hindi pa rin kami maglilingkod sa inyong mga diyos ni sasamba sa rebultong ginto na ipinagawa ninyo.           

Daniel 3:17-18

Madaling magtiwala sa Diyos kung maayos ang lahat. Healthy ka, may pera ka sa bulsa, lagi kang masaya. But what if God allowed the good things to be taken away from you? Will your faith stand the test of fire?

Shadrach, Meshach, and Abednego literally went through the fire. As transplants to Babylon from Judah, they refused to worship the golden statue of King Nebuchadnezzar. Why should they? Alam nila kung sino lang ang dapat sambahin—ang Nag-iisang Tunay at Makapangyarihang Diyos. Dahil sa kanilang paninindigan, inihagis sila sa naglalagablab na pugon.

Buong tapang silang nanindigan para sa Diyos, handang mamatay para sa Kanya. Many years later, they continue to inspire generations of Christians with their bold statement of faith, essentially saying, “Kaya ng Diyos na iligtas kami. Pero kung hindi man Niya ito gawin, wala pa rin kaming ibang diyos na sasambahin.” In their case, God chose to honor their faith and saved them from the fire. Sa katunayan, ni hindi man lang sila nag-amoy usok kahit pitong beses na mas pinainit ang pugon na pinaglagyan sa kanila.

Hindi man tayo ipasok sa pugon ngayon dahil sa pananampalataya natin, dumadaan pa rin tayo sa apoy ng pagsubok. It can be in the form of persecution, sickness, or a loss. Will we still believe that He is good, powerful, and loving when it seems that His hands are tied, unable to help us? May we be like the faithful trio of the Old Testament—handang mas mahalin kung sino Siya higit pa sa kung ano lang ang kayang ibigay Niya.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

To the God of Shadrach, Meshach, and Abednego, I, too, put my trust in You. Sa pagdaan ko sa pagsubok, dalisayin Ninyo ako.

APPLICATION

List down all the things you have been asking God for. Across each item, write the response to this question: “If God chose to say no to this request, what will I do?” End this time of personal reflection in prayer, asking God to prepare you to accept whatever He chooses to do..

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 7 =