14
SEPTEMBER 2023
Testifying Unashamedly
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una’y sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego.
Mga Taga-Roma 1:16
Isinilang ka sa isang Cristianong pamilya na karaniwan lamang ang pamumuhay. Gayunman, ibinigay ng iyong mga magulang ang lahat mong pangangailangan. Higit sa lahat, ipinamulat sa iyo ang pagiging maka-Diyos, mapagmahal sa kapwa, masunurin, at mapagpakumbaba. Pero pagsapit mo sa high school ay na-expose ka sa pambu-bully ng iyong mga kaklase. They call the girls offensive names, they curse all the time, and laugh to their hearts’ content whenever they hurt others. Feeling mo out of place ka, pero dahil ayaw mong mawalan ng kaibigan, nanahimik ka na lamang sa halip na pagbawalan sila sa masamang gawain.
Relate ka ba sa eksenang iyan? Pagnilayan mo ang sinabi ni Apostle Paul kay Timoteo, na siya ring itinuro ng iyong mga magulang. “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (2 Timoteo 3:15). Kaya naman, whether new in the faith or born into it, we must tell others the good news about Christ. Be encouraged by what the Apostle Paul told the Romans, “I am not ashamed of the gospel, because it is the power of God for the salvation of everyone who believes…. For in the gospel a righteousness of God is revealed, a righteousness that is by faith…” (Romans 1:16-17, NIV). Kaya naman ang paalala niya, huwag din nating ikahiya ang magpatotoo para sa Panginoon (2 Timoteo 1:8).
We can testify for Christ unashamedly by telling people about the power of the gospel in
our personal life. How God transformed us from our sinful nature, how He answered our prayers, how we experienced His grace that helped us in times of need, and how He strengthened us when we were weakened by challenges in life.
LET’S PRAY
Panginoon, sorry po dahil nahihiya akong magbahagi ng inyong ebanghelyo. Give me wisdom, clarity of thought, and boldness to speak for You and lead people to receive Your gift of salvation. Amen.
APPLICATION
This week, trust the Holy Spirit to guide you and empower you to unashamedly share the love of God, His greatness, and His free gift of salvation to those around you.