2

FEBRUARY 2023

The Choice, Not The Option

by | 202302, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by PMV Clapano

Never ka pa bang napili? You may not know it, pero pinili ka na ni God noon pa man, pinili para mahalin. Tara, alamin natin sa pagbabalik ng series natin na “God Loves You”.

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa.”  

Jeremias 1:4-5

Narinig mo na ba ang statement na, “Always the option, never the choice”? Madalas ka bang masama sa mga pagpipilian pero never napipili? Pagdating sa school, never the top student. Pagdating sa office, never the top employee. At pagdating sa lovelife, pang-friendzone ang level mo. ‘Yung mahal ka pero hindi ka kayang ipaglaban. ‘Yung pang-back up plan lang ang peg mo at kung may award man na ‘Most Available Friend but Never the Boyfriend or Girlfriend,’ sa iyo na ’yun. Kahit nga pagdating na lang sa raffle, never ka nabubunot. Ouch.

Ang daming hugot at memes na lumalabas sa social media tungkol sa self-pity dahil hindi napili. Aminin mo, mahirap maging option. Usapang awards o love life o career man. Kahit nga ibinigay mo na halos lahat para piliin ka. Oras, effort, pera, lakas, and even your body, kulang na lang pati dugo at internal organs mo ibigay mo. Dumating ka na sa point ng buhay mo na walang-wala ka na, ubos na ubos na, give up ka na. Ang gusto mo lang naman ay mapili ka. Dahil kapag napili ka, you feel loved and accepted despite your imperfections and shortcomings. Nakakapagod maghabol ng pagmamahal, hindi ba?

Alam mo ba na may nauna nang pumiling magmahal sa ’yo bago ka pa man isilang? Minahal ka ni God at dahil diyan ay ipinadala Niya ang kanyang pinakamamahal na anak na si Jesus upang ikaw ay bigyan ng pag-asa at buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Pinili ka ni Lord na mabuhay and you are fearfully and wonderfully made by Him (Mga Awit 139:13-14). Minahal ka ni Jesus kahit na imperfect ka (Mga Taga-Roma 5:8). Pinili ka ni Jesus! You are not an option to Him.

Sa Jeremias 1:5, alam na ni God ang plano Niya kay Jeremiah at pinili Niya ito as his prophet to the nations. Even though he was young and inexperienced at kahit na feeling niya he is inadequate, God still chose him (Jeremias 1:6-10). You don’t need to perform or run after the love of God sa takot na maubusan at hindi mapili dahil hindi Siya mauubusan ng pag-ibig para sa ’yo (Exodo 34:6). Minahal ka ni God not because of what you can give or do for Him. He loved you because He is love.

Remember, minahal ka ni God not because of what you can give or do for Him. He loves you because He is love and He has chosen you. See you tomorrow for the continuation of our series “God Loves You”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat dahil pinili Ninyo akong mahalin. Sa kabila ng aking pagkukulang at kasalanan, pinatawad Ninyo ako. Salamat na pinili Ninyong bigyan ako ng buhay at maganda ang plano Ninyo para sa akin. Lord, ipaalala Ninyo sa akin na hindi Kayo nakatingin sa kaya kong gawin para ako ay patuloy Ninyong mahalin. Naniniwala akong basta, mahal Ninyo ako. Amen.

APPLICATION

Balikan ang isang pangyayari kung saan nasaktan ka dahil hindi ka napili. Accept God’s grace para makapagpatawad at makapag-move on ka na. And remind yourself: May magandang plano ang Diyos para sa akin!

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 3 =