11
FEBRUARY 2023
The First Commandment with a Promise
Thank you for joining us in our series “God Commands Us to Love One Another.” Today, let’s see what God’s Word says about loving our parents.
“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”
Mga Taga-Efeso 6:2–3
Noon, gulat na gulat tayo tuwing nakakakita ng batang naninigaw at walang galang sa magulang. Pero ngayon, sa mga lumalaganap na videos sa social media, nagiging katatawanan na kapag pinapagalitan ng maliliit na bata ang kanilang magulang. Kapag malalaki naman na ang mga anak na gumagawa nito, tila nakakatakas sila basta mayroong naibibigay na “valid reason.”
But God’s word tells us to honor our father and mother. Hindi sinabing honor your parents kapag bata ka pa. Kung paanong walang expiration date ang pagiging anak natin, ganoon din ang “honor your parents” na mandate sa atin ni God.
Even if Jesus is God, He honored His earthly parents noong nabuhay Siya sa mundo. So how come we exempt ourselves from this mandate? Maaaring may magsabi na, “Mahirap naman sundin ang tatay ko kasi di siya karespe-respeto. Lagi siyang lasing.” O “Ang hirap hindi sagutin ng pagbubunganga ng nanay ko.” As long as what they’re asking from us is not morally wrong, then we are to honor them. Honoring them is one way to show that we love them. Remember, may pa-bonus pa si God because this is the first commandment with a promise and that is, we would have a long and satisfied life. Oh, what a blessing!
Honoring our parents is one way to show our love for them. Bukas naman, mga mister, let’s discover how a husband can show his love to his wife sa pagpapatuloy ng series natin na “God Commands Us to Love One Another”.
LET’S PRAY
Dear Lord, salamat po sa buhay ng mga magulang ko. Continue to bless them. Give me the grace to love and honor them at all times as I desire to love and honor You as well. In Jesus name, Amen.
APPLICATION
Magbigay ng special treat sa iyong magulang today. Maaaring sweet words, an act of kindness, or a simple gift to let them know how much you appreciate them. At huwag kalimutang mag-swipe left, para isama ang pangalan nila sa prayer list because prayer is the greatest blessing you can give them.