20
SEPTEMBER 2022
The Greatest Command, The Greatest Love
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.”
Marcos 12:30
Naalala mo ba noong una kang na in love? Palagi mo siyang iniisip, inaalala, at bukambibig mo siya sa mga kaibigan mo. Halos lahat ng gusto niya ay ginugusto mo rin. Gusto mong lagi siyang kasama, kausap, at kung pwede lang, makasama forever. Masarap magmahal, ‘no? Pero naranasan mo na ba ang the greatest love of all time?
Ang Diyos mismo ang pag-ibig (1 John 4:16) at una Niya tayong minahal (v. 19). He established His covenant, a relationship, to the Israelites and those who received Jesus as their Lord (Genesis 17:7; Exodus 6:7; John 1:12). At kahit tumalikod ang mga ito sa Kanya, He is faithful and sealed this through Jesus Christ (Romans 5:8). So what is the best way to respond to this kind of love?
Sabi ni Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas” (Marcos 12:30). This means to put Him first. Kilalanin at sambahin Siya. To live like His Son and to live for Him. To desire Him, His Word, and His character. Ang sumunod sa Kanyang mga utos at mahalin ang lahat ng Kanyang minamahal. Malawak ang pagmamahal na hinihingi ng Panginoon sa Kanyang mga tagasunod. After all, the greatest command to love Him is not a to-do list but an invitation to have a personal intimate relationship with God.
Have you accepted Christ as your Lord and your Savior? Kung oo, God is inviting you to have a deeper relationship with Him. Kung hindi pa, inaanyayahan Ka ng Panginoon na maranasan ang greatest love of all time at simulan ito sa pagtanggap kay Jesus Christ sa buhay mo. Pwede mong sundan ang panalangin na ito:
LET’S PRAY
Lord, I am a sinner at kailangan ko si Jesus upang ako’y iligtas mula sa penalty ng mga kasalanan ko. Tinatanggap ko si Jesus bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. From this day forward, ako ay mamumuhay na ayon sa Salita at pag-ibig Ninyo. Help me, through the Holy Spirit, to love You with all my heart, soul, mind, and strength. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Sa iyong journal, write the whole Mark 12:30 verse. Meditate on it. Ask the Holy Spirit to show you how you would live to love God with all your heart, soul, mind and strength.