7
FEBRUARY 2022
The Heart of a Champion
Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.
2 Taga-Corinto 4:8–9
Sa loob ng dalawang magkasunod na taon, bigo ang Chicago Bulls nang matalo sila ng Detroit Pistons. Kilala ang Pistons sa mas pisikal na laro sa basketball court kaya naman nabansagan silang “Bad Boys.” Matapos matalo, nagdecide ang team nila, sa pangunguna ni Michael Jordan, na tapatan ang hard game ng Pistons. Pinaghandaan ng Bulls ang sumunod na season sa pamamagitan ng ensayo, pagpapalakas ng katawan, at pag-build ng muscles. Kaya naman noong 1991 NBA Eastern Conference Play-offs, sa gitna ng matinding depensa, hard foul at mahigpit na laban, the Bulls won against the Pistons. At sa pag-advance nila sa Finals, nagwagi sila kontra Los Angeles Lakers at itinanghal na 1991 Conference Champions!
Para kay Apostle Paul, ang goal ay maipahayag ang katotohanan tungkol kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ngunit ang goal nilang ito ay hindi madaling makamit. Sa halip ay nakaranas sila ng matinding oposisyon. Sabi niya, may pagkakataon na “kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay” (2 Taga-Corinto 4:8-9).
You may be overwhelmed by what’s happening around you. Marahil ay may mga pagsubok kang dinaranas ngayon because of your faith in Jesus. Maaaring may internal struggle ka. Hindi ka nag-iisa. Huwag kang sumuko. You will be blessing others with your testimony when you overcome in Christ. Apostle Paul pressed on and even encouraged Timothy, “I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day — and not only to me, but also to all who have longed for his appearing” (2 Timothy 4:7–8).
LET’S PRAY
Panginoon, maraming salamat sa pagmamahal Mo sa amin. Because of Your command to share the gospel, someone shared the gospel with me and now I believe in You. Use me to advance your Kingdom. Teach me Your ways and help me to finish my race well.
APPLICATION
Start your day thanking God for another day and ask Him to guide you on how to live your life today and the opportunity to share your testimony of God’s faithfulness in your life.