3
AUGUST 2022
The Miracle of Jesus’ Presence
Biglang lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila’y natakot. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!”
Juan 6:18–20
Even though Jesus’ disciples were fishermen, natakot pa rin sila. Sino ba naman ang hindi matatakot kung makakakita ka ng naglalakad sa ibabaw ng tubig, tapos madilim na, malakas ang hangin, at malaki ang alon?
This particular miracle story in the Bible remains unchallenged up to today. Si Jesus lang ang nakalakad sa tubig at hindi lumubog. Ang galing, ‘di ba? Others may have attempted it but no one can actually do it without the use of an illusion or technology.
But why did Jesus do it? To prove that He is authentic, that His identity as the Son of God is true. That He is truly powerful. Imagine, even the winds obey Him! Kaya nga nang sumakay si Jesus sa bangka ay agad tumigil ang hangin, and the disciples were amazed (Mark 6:51). They worshiped Jesus at nasabi nilang, “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” (Mateo 14:33).
This means na si Jesus ay hindi lamang gumagawa ng himala kundi Siya mismo ang himala. His mere presence can cause miracles to happen! If we are praying for a miracle, we can find it in Jesus. If He can calm the waves and winds, kaya din Niyang payapain ang ating mga alalahanin. If He can walk on water, He can also do the impossible in our lives. And if we are too afraid to believe, balikan natin ang sinabi Niya sa Juan 6:20, “Huwag na kayong matakot. Ako si Jesus!”
LET’S PRAY
Dear Jesus, salamat sa paalala na Ikaw ay makapangyarihan and that You are a miracle-working God. Help me to believe in Your miracles and to trust in You. Tulungan Mo po akong magkaroon ng lakas ng loob sa gitna ng mga nakakatakot at imposibleng situations sa buhay ko. I desire to be in Your presence where there is peace and joy.
APPLICATION
May mga imposibleng sitwasyon ba sa buhay mo na you’re asking God’s miracle para ma-resolve? You can write them down sa prayer list mo and ask your family and friends to pray with you. Trust God that He will make a way.