1

AUGUST 2023

The Perfect Score

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Prexy Calvario

Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.

Mga Taga-Roma 8:3

Sa test paper na inihanda ni Teacher Mercy ay may nakasulat na “Right minus wrong.” Ibig sabihin, sa bawat maling sagot, ibabawas ito sa tamang sagot mo. Sa 100-item test na ito, kung may isa kang mali, imbes na 99 ang score mo, magiging 98 na lamang. Ang hirap makakuha ng perfect score sa ganitong klaseng scoring! Kailangan talagang master mo ang subject matter.

Ang Mosaic Law ay ibinigay ni God sa mga Israelita upang ipakilala sa sangkatauhan ang kabanalan ng Diyos, ang sinful nature ng tao, at kapatawaran ng mga kasalanan. God revealed that in His standard of holiness, all have sinned and fallen short (Romans 3:23). Sinong tao ang makaka-perfect score sa pagsunod sa 10 Commandments, ordinances, at iba pang regulations ng Mosaic Law? Wala! At sa hindi makaka-perfect sa pagsunod sa Mosaic Law, ano ang naghihintay na future? Sabi sa Romans 6:23, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Sa Bible, hindi lamang ito tumutukoy sa physical death kundi eternal death. Malaking problema ito sa ating lahat dahil bagsak tayo sa standard ni God.

Ipinakita ng Mosaic Law na hindi natin kayang i-perfect ang pagsunod dito. Hindi rin ito nakakapag-alis ng kasalanan; lalo pa nga nitong dinidiinan ang ating pagiging makasalanan dahil sa dami ng paglabag. The good news is that God, through His Son Jesus, made a way for our sins to be removed and to make us meet His standard of holiness. Habang nandito Siya sa lupa, Jesus fulfilled the Mosaic Law (Matthew 5:17). At sa Kanyang kamatayan sa krus, ultimately ay tinupad Niya ang sinasabi ng Kautusan na nililinis ang lahat sa pamamagitan ng dugo at napapatawad ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo (Leviticus 17:11; Hebrews 9:22).

Kaya ngayon, to meet God’s perfect standard of holiness, tinatawag tayo ng Diyos na magtiwala kay Jesus na nagligtas sa atin sa kamatayan at ginawa tayong katanggap-tanggap ayon sa perfect standard Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, thank You that because of Your grace and mercy, You sent Jesus Christ to save us from sin. I believe in His perfect work at the cross and now I know that I will not perish but have eternal life.

APPLICATION

Basahin ang Romans 7 and 8:1–17. Ask the Holy Spirit to reveal to you new things about this truth: Jesus fulfilled the law so now we can live according to God’s standard of holiness through His Spirit.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 11 =