25

JULY 2023

The Richness of God’s Mercy and Grace in Daily Life

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Michellan Alagao

Magpatuloy kayong lumago sa kagandahang-loob at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen.

2 Pedro 3:18

Na-experience mo na ba ang “everyday grace” ni Lord? Ito ‘yung grace na nakikita at nararanasan natin sa pangaraw-araw na buhay — in nature and our daily life. Ito ang pagsikat ng araw at ang pagbuhos ng ulan na nae-enjoy ng lahat ng tao, mabubuti man sila o masasama (Matthew 5:45). Ito rin ang grace na dala ng Holy Spirit, at siyang nagbibigay ng lakas sa ating spirit, soul, and body.

Madalas, taken for granted ang ganitong klaseng grace ni God. Dahil araw-araw natin itong nae-experience, hindi na natin ito pinapansin. Even worse, parang boring na ito para sa atin! But there is nothing boring about God’s grace and mercy. Ang kanyang grace at mercy ay bago at fresh bawat araw (Lamentations 3:23). Itong grace na ito ang dahilan kung bakit kaya natin magpatuloy na “lumago sa kagandahang-loob at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo” (2 Pedro 3:18).

Sa totoo lang, hindi natin kayang lumago sa kabutihan at kaalaman bilang Christians kung wala tayong daily grace na galing sa Panginoon. Imagine, kung ngayon nga nagagalit pa rin tayo kapag traffic, nakikipag-tsismisan, at laging nao-offend sa maliliit na bagay, paano pa kaya tayo without the richness of God’s mercy and grace in daily life! Saan na kaya tayo pupulutin? Pero praise God because His grace lovingly encourages us to be better and do better, each and every day.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, maraming salamat po talaga sa Inyong grace at mercy sa aking buhay. Hindi ko po ito deserve, ngunit napakabuti Ninyo. Tulungan po Ninyo akong lumago sa kagandahang-loob at sa pagkakilala kay Jesus.

APPLICATION

Take a moment to stop and meditate on God’s daily grace right now. Maglista ng tatlong bagay na thankful ka sa araw na ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 1 =