23

AUGUST 2023

The Ultimate Defense

by | 202308, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.

Awit 3:3

Na-bully ka ba noong bata ka? Kadalasan, iisa lang ang tema na ibinabato ng bully. It could be an insult on how you look, or how you dress, o kaya dahil sa isang perceived weakness.

Ang malungkot dito, there are times na para bang life is bullying us. Kasi kahit anong effort natin, hinahabol tayo ng issues which cause us pain. For example, you’ve always been insecure about how you look, but you ended up working with celebrities. Lalo kang nai-insecure every time na nakiki-groufie ka kasama nila! 

O kaya, lumaki kang laging kapos sa pera. At ngayon, kahit na may full-time job ka at iba’t ibang raket, hindi mo pa rin mapunan ang iyong mga pangangailangan. Or maybe you’ve always struggled with loneliness. You have broken relationships with family members. Beterano ka na sa breakups at naka-experience ka na rin ng ilang “friendship over.”

 Hindi tayo dapat magulat dito — galawan talaga ‘yan ng kalaban. Satan will do anything para mapanghinaan tayo ng loob. Puwede kasing dahil dito, manghina rin ang faith natin. But cheer up! Makulit man ang bully na si Satan, mas matindi naman ang ating ultimate defense — Jesus Himself! David was bullied by many enemies, so he ran to God for defense. He said, “But you, Lord, are a shield around me, my glory, the One who lifts my head high” (Psalm 3:3, NIV).  

Kapag umaaligid si Satanas para sirain tayo, hindi tayo dapat mangamba dahil si Lord ang ating shield. He is our glory, which means, if we are in Christ, we also have His beauty and holiness. Wow! And He is the One who lifts our head. Kapag feeling mo ay talunan ka at walang maipagmamalaki, believe this: si Jesus ang nagbibigay sa atin ng tagumpay at karangalan (Awit 3:3).  Tandaan mo na kung tinanggap mo na si Jesus bilang Savior, ginawa ka na Niyang bagong nilalang (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Kaya Siya rin ang iyong sandigan at sanggalang. Bibigyan ka Niya ng kaganapan, katatagan, lakas ng loob, at kaluwalhatian.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, minsan, pakiramdam ko, lagi na lang akong talunan. I come to You for comfort and strength. I am your child, cleansed by your blood. I should not be ashamed. Thank You for lifting my head!

APPLICATION

Are there recurring issues in your life na parang hindi mo malagpasan? You can share your prayer request by texting the CBN Asia Prayer Center at (+63)998-590-0620 or go to https://www.cbnasia.org/prayer-center/.  

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 8 =