8

DECEMBER 2022

The “Ways” of the Lord

by | 202212, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Timmy B. Yee

Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.

Mga Kawikaan 16:9

Nasubukan mo na bang gumamit ng Waze, Google Maps, o ibang apps na nagbibigay ng direksyon? Convenient, ano? Although hindi ito foolproof dahil minsan nagkakamali ng inirerekomendang daan, most of the time, OK naman. Kung pwede lang sanang i-Waze ang buhay natin. ‘Yung tipong at a touch of a button, we will get detailed directions para marating ang desired destination natin. But we don’t have anything like it. Life is hard, a reality that we have to face each and every day.

So paano ba ma-fufuture proof ang direksyon ng ating mga buhay? How will we make sure na hindi tayo maliligaw at magkakamali sa pupuntahan natin? There are really no guarantees. Whether pumunta tayo sa kaliwa o kanan man, meron laging possibility na magkamali tayo sa ating desisyon.

Is there a secret to finding the right way then? Hayaan mong gabayan ka ng Panginoon. God assures us in Psalm 32:8, “I will instruct you and teach you in the way you should go; I will counsel you with my loving eye on you.” At kung hahayaan mong si Jesus ang magdirekta sa pupuntahan mo, kahit pa hindi mo naiintindihan ang sitwasyon mo sa kasalukuyan, makasisiguro ka na ang Diyos, tanging kabutihan ang nais na mangyari para sa iyong buhay.

Something is better than having Waze for life. It is following the “Ways” of the Lord.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord Jesus Christ, ikaw ang tanging daan at katotohanan. Isinusuko ko ang direksyon ng bawat aspeto ng buhay ko. Madapa man ako, magtitiwala ako sa Iyo dahil I know that I can always count on Your love.

APPLICATION

How are you letting God direct your path? May mga desisyon ka bang gagawin sa mga susunod na araw? Ask God to help you. Read His Word, pray, seek godly counsel, and wait for the Holy Spirit to give your heart peace. And then, by faith, decide.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 7 =