14

JANUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Ngunit dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos

Mga Taga-Roma 8:10

Matagal nang Christian si Chelo. Regular na bahagi na ng kanyang buhay ang pagsisimba, pag-serve sa mga ministry, pagvolunteer sa mission outreaches. Pero sa mga nakalipas na taon, tila naging mahirap para sa kanya ang gawin ang lahat ng ito. Dala ng pandemya, nadistorbo na ang lingguhang pag-attend sa church. Unti-unting nagiging digital na ang kanyang mundo. To cope, nag-upload siya ng sangkaterbang Bible app sa kanyang smart phone. Pero tuwing sisimulan na niyang magbasa, makinig, o manood, andyan na ang mga social media notification at news alerts na umaagaw sa kanyang atensyon. Feeling tuloy ni Chelo, napapalayo na siya sa Panginoon. Na baka nga, siya ay nagkakasala na.

In this digital world, kataka-taka na despite the instant access to every form of information, despite the ability to easily communicate with thousands of people all over the world, mas madali ring ma-isolate ang isang tao for extended periods. Para sa mga religious, maaaring magdala ito ng self-condemnation, at feelings of guilt and unworthiness.

If you are thinking this way, let me tell you na kasinungalingan ang ganitong mga pag-iisip. Minsan mo nang tinanggap si Jesus sa iyong puso. Kaya forever nang naninirahan ang Holy Spirit sa iyo. Kailanman ay hindi Siya lalayo. Take comfort that your spirit is alive because of the righteousness of Jesus. Today’s verse confirms this to us.

What a relief, ano? When we think we have failed in keeping His commandments, it was never about it pala. Romans 8:3 TLB says: “We aren’t saved from sin’s grasp by knowing the commandments of God because we can’t and don’t keep them, but God put into effect a different plan to save us. He sent his own Son in a human body like ours — except that ours are sinful — and destroyed sin’s control over us by giving himself as a sacrifice for our sins.”

Sa mga panahong parang di na tayo makakapit sa Kanya, we realize that all along, Siya pala ang humahawak sa atin! Magkasala man tayo, di mababawasan ang Kanyang pagmamahal. The seasons of our faith walk will change, but His grace remains constant. Amazing grace nga kasi talaga.

 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tinatanggap ko po ang Inyong walang katumbas na pagmamahal. Binibitawan ko ang feelings of condemnation at pinapalitan ko ng pasasalamat. Thank You that you love me as I am, you saved me in my weakness. I am confident that You will finish Your work in me because You are my faithful Father. In Jesus’ name,  Amen.

APPLICATION

Go old school. Ilayo ang cellphone at balikan ang iyong physical Bible. Mag-highlight ng verses that speak to your heart. Mag-journal gamit ang actual pen and paper. Do this for 21 days, and see the difference it will make in your spiritual life.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 2 =