10

DECEMBER 2021

Those Four Little Words

by | 202112, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Mari Kaimo & Written by M.C. Navarro

Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami’y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

2 Mga Taga-Corinto 1:10-11

“Kamusta na?” Madalas natin itong itanong sa mga kakilala natin. Most of the time, “okay naman ako,” ang natatanggap nating sagot. Pero paminsan-minsan, may nago-open up at nagkukuwento ng problems and struggles niya. Kapag nangyari ito, may mga pagkakataong hindi natin alam kung ano ang sasabihin, kaya we end up saying those four little words: “I’ll pray for you.

Pero real talk: How many times have you said those words only to realize a few days later that you completely forgot to do it? Kung hindi tayo mag-iingat, the words “I’ll pray for you” will become our new version of “kain tayo.” ‘Yun bang may dadaan habang kumakain ka, kaya iimbitahan mong sumalo sa ‘yo to be polite. Pero ang totoo, umaasa kang hindi kakagatin nung tao ang offer mo kasi sakto lang sa ‘yo ang pagkain mo.

Let’s remember na gusto ng Diyos na idulog natin sa Kanya ang ating mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat hindi lang para sa sarili natin kungdi para sa lahat ng tao (1 Timoteo 2:1). When we pray for other people, it is a public declaration na naniniwala tayong tumutugon ang Panginoon sa mga panalangin. Ganito ang paniniwala ni Apostle Paul kaya hiniling niya sa mga taga-Corinto na ipanalangin siya. Inaasahan din niya na marami ang magpapasalamat sa Diyos as a result of answered prayers.

Kapag may pinag-pray tayong ibang tao, we get a front row seat to someone else’s miracle. Nagkakaroon tayo ng opportunity para makita ang goodness, might, and faithfulness ni God, and this gives us encouragement na ipagpatuloy ang paghihintay para sa kasagutan sa sarili nating mga panalangin.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, minsan, hirap na hirap akong maghintay sa answers sa prayers ko. But I will keep on praying for myself and for others too. Gusto ko pong makita kung paano Kayo nagmu-move sa buhay ng ibang tao. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagtugon Ninyo sa aming panalangin.

APPLICATION

Next time na may mag-share sa iyo ng problema niya, tanungin mo siya agad kung puwede mo siyang ipag-pray at gawin ito habang magkasama pa kayo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 2 =