15
NOVEMBER 2023
Too Much Stuff!
“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”
Mateo 6:19–21
Excited na si Terry. Finally, natanggap na niya ang kanyang migration papers and she is on her way to start a new life in the USA! Now it is time to pack. Dalawang bagahe lang daw ang puwede niyang dalhin, each one weighing 50 pounds. But how can she pack all her 35 years of existence into two maletas? She started making lists ng mga bagay na ipamimigay, ibebenta, itatapon. Haaay, ang dami pala niyang gamit! Why on earth did she acquire so much stuff?
God richly provides us with everything for our enjoyment (1 Timothy 6:17b). If material things make us happy, and if we can afford them, why not acquire them? Pero for the same amount of money or even less, there are other significant things that could make us happy, di ba? Let’s take a moment and think about them.
With the same amount of money, should I buy an ultraexpensive signature purse or purchase a plane ticket to see people close to me? Should I buy an expensive dinner for myself, or buy reasonably priced food to share with neighbors in need? Saan ako talaga mas sasaya? Marami pang puwedeng idagdag dito, don’t you think?
LET’S PRAY
Panginoon, thank You for allowing us to pause and think about acquiring material stuff. We make Your Word our guide: Huwag mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa, instead ay mag-impok ng kayamanan sa langit. Direct our hearts to enjoy what is truly important. I pray this in Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
Online shopping? Here are some questions to ask before you do so:
1. Gusto ko ba talaga ito, o bibilhin ko dahil sale lang?
2. May pambili ba ako na hindi credit card, hindi inuutang?
3. Saan at ilang beses ko ito gagamitin?
4. Saan ko ito itatago sa bahay? May space pa ba o magiging kalat lang?
5. Meron na ba ako nito?
Instead of buying, it might give us the same satisfaction if we just took a picture of the item or saved a screenshot of it instead of spending for the actual thing. Madalas ay lumilipas din naman kasi ang desire nating bumili.