8
FEBRUARY 2024
Usapang Puso
February, as we all know, is popularly described as the “Love Month”. Kaya we prepared a series para lalo kayong mapakilig sa tunay na ibig sabihin ng pag-ibig. Welcome to our series, “Love in Action.”
Nais mo sa aki’y isang pusong tapat; puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
Awit 51:6
Sarap na sarap kumain ang buong pamilya ng gulay na puso ng saging maliban sa dalagang anak na nagsabi ng mala-hugot line na ganito, “Buti pa ang saging may puso, may kilala akong tao walang puso.” Heartbroken pala si ate girl!
Para sa ating usapang puso, alam n’yo ba na ang puso natin ay puwedeng maging parang kulungan? May dalawang hari ng Israel sa Bible na may magkaibang kondisyon ng puso. Mula sa 1 Samuel 18, nakakulong sa puso ni Haring Saul ang envy. He was afraid na baka maagaw sa kanya ang trono, iniisip na ito ay mapupunta kay David. Sinabi sa 1 Samuel 18:6-8, matapos mapatay ni David si Goliath, nagbalik na si Haring Saul at ang kanyang mga tauhan. Sa bawat bayang madadaanan nila, sinasalubong sila ng mga babaeng sumasayaw at umaawit: “Libu-libo ang pinatay ni Saul, ang kay David naman ay sampu-sampung libo.” Feeling ni King Saul, kulang na lamang ay si David ang kilalanin nilang hari. Patuloy na namuo ang hatred sa puso niya. Mula noon naging mainit na ang mga mata niya kay David. Sa katunayan, ilang beses din niyang pinagtangkaang patayin si David. He showed that his heart was for the praise of man and not God.
Kumusta naman ang puso ni David? Kahit naging popular si David sa mga tao, mga sundalo, at servants ng hari, he remained humble. He put his heart in the right place. Kahit pa nakatanggap siya ng mga papuri sa mga tao ay mas binigyang halaga ni David kung ano ang tingin ng Diyos sa kanya. He loved the Lord, making him known as “a man after God’s heart” (1 Samuel 13:14).
Saul didn’t have the right or close relationship with the Lord but David did. Ikaw, are you willing to give your heart to God?
True love comes from God, and we can only love God and others dahil ibinuhos ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin. Join us again tomorrow for our series “Love in Action.”
LET’S PRAY
Loving God, take good care of my heart. Cleanse my heart from all unrighteousness and make it right. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
Surrender to God and ask Him to give you a pure and clean heart. Listen to the song “A Pure Heart” and make it your prayer to God.