22

JANUARY 2022

Weather-Weather Lang

by | 202201, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Edwin Arceo

Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.

Mateo 5:45b

Kapag gloomy ang panahon, nakakadagdag ito sa lungkot natin kapag meron tayong pinagdadaanan. Puro gray kasi ang mga ulap, nawawala ang kulay sa paligid, at lumalamig ang panahon. Tapos biglang uulan pa kaya no wonder na mas magpapatindi ito ng feelings of loneliness at sadness natin. Ayaw na tuloy natin bumangon sa kama.

The truth is this: Ang makakapal na ulap ay dumadaan lamang; dala-dala sila ng hangin at pumupunta kung saan ang direksyon ng ihip nito. Maaaring matagal or sandali lang ito mag-stay sa isang lugar. Alam din natin na nasa likod lang ng ulap ang araw at naghihintay na magbigay ulit ng liwanag.

We can say the same thing about life. Ang bawat hirap sa buhay ay dumadaan lamang. Minsan ga-bagyo ang tindi ng pananalasa, minsan naman parang ambon lang. Lahat tayo apektado ng weather. Sabi nga ni Jesus sa Matthew 5:45b, “He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous.”

Wala tayong ligtas sa sama ng panahon. Kapag feeling natin binabagyo tayo, ano ang pwede nating gawin? Una, pwedeng ipahinga na lang natin at hintaying lumipas ang pinagdadaanan natin, or we can actively “weather the weather.” Paano? Pwede kang manalangin at tanungin si God kung ano ang meaning ng ating pinagdadaanan. Lord, bakit Ninyo ako hinahayaang daanan ko ito? I’m sure na iga-guide ka Niya para makita mo ang tamang perspective. Watch and see how God will make sense of everything you are going through. Magbasa ka din ng Bible kasi isinulat na ni God doon kung papaano natin haharapin ang mga bagyo ng buhay. We can trust Him who said to the wind and the waves, “Tumahimik ka!” (Marcos 4:39).

Cliché man pero totoong pagkatapos ng bagyo, sisikat din ang araw. Tandaan, ang buhay ay weather-weather lang.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, tulungan po Ninyong maging matatag ako sa lahat ng bagyo na dumating at dadating pa sa buhay ko. May You be my strong tower na magbibigay sa akin ng lakas at kapayapaan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Set a time and place everyday where you can meet with God and tell Him kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon. Yes, alam ni God lahat, pero gusto pa din Niyang sabihin mo ito sa Kanya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 3 =