23

JANUARY 2022

Share with family and friends
Narrated by Felichi P. Buizon & Written by Felichi Pangilinan Buizon

Pinupuri ko si Yahweh na sa aki’y pumapatnubay, at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay.

Awit 16:7

Nakaranas ka na ba ng kadiliman na tila lumalamon sa iyo? Yung sa kapal ng dilim, wala ka talagang makita? Kung napuntahan mo na ang underground river sa Palawan o ang tinatawag nilang Puerto Princesa Subterranean River, mararating mo ang bahagi ng kuweba na sa sobrang kapal ng dilim, akala mo nabura ka na sa mundo! Mas maigi kung bibisita ka roon na may kasama para may mahahawakan ka man lang na magpapakalma sa iyo.

Nakakatindig-balahibo kapag nag-iisa ka! Bawal pa mag-ingay dahil ayaw nilang magambala ang mga paniki sa kuweba, kaya’t nakakabingi rin ang katahimikan kapag ikaw ay nasa gitna ng kadiliman.

Maaring hindi ka pa nakarating sa underground river pero baka katulad ng sumulat ng Psalm 16, may pinagdaanan ka at di malinaw ang landas. Madilim at kailangan mo ng patnubay. Maaaring di ka familiar o walang kasiguruhan sa estado mo at gaya sa gabi, na-eexpose ka sa iba’t ibang panganib at minsan walang katiyakan ang mga daan. Huwag mangamba dahil meron kang matatakbuhan na makapagpapakalma sa iyo. Binabahagi ng may akda na meron kang patnubay na mas malapit pa sa iyo kaysa sa puso mo! Kahit ano pa ang kapal ng kadilimang nararanasan, hindi Niya uurungan at lalamunin Niya ito. Iyan ang Panginoon! Sabi nga sa Awit 139:12, “maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning, madilim ma’t maliwanag, sa iyo ay pareho rin.”

Hindi mo kailangang malunod sa gabing dinadaanan mo, kapatid. Ang Ilaw ng Sanlibutan ay handang gumabay. Ikaw, ready ka bang magpasakop at sumunod sa Kanya?

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Panginoon, salamat at ang kadilimang pumapalibot sa akin ay hindi dilim sa Inyo. May purpose ang pinagdadaanan ko. Forgive me for my sins and help me start anew. Inaamin ko na natatakot ako. Tulungan Ninyo akong manalig na kahit dito, magagabayan Ninyo ako at lilinaw din ang landas ko. Help me follow You from this moment on. Amen.

APPLICATION

Subukan mong mag-drawing gamit ang lapis lamang ng isang gabing malakas ang bagyo. Diinan mo para madilim ang kalabasan. Sa gitna, lagyan mo ng kubong maliit na may bintana. Masdan ang iyong drawing, anu-ano ang emosyon na nararamdaman mo? Kumuha ng isang dilaw na krayola, pentel pen o highlighter at kulayan lamang ang bintana ng kubo. Masdan muli ang drawing. May pagkakaiba ka bang napansin?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 5 =