5

AUGUST 2022

What Is Your ‘Lazarus’?

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Prexy Calvario

Nabalitaan ng maraming Judio na si Jesus ay nasa Bethania kaya’t nagpunta sila roon upang makita siya at si Lazaro, na kanyang muling binuhay. Kaya’t binalak ng mga punong pari na ipapatay din si Lazaro, sapagkat dahil sa kanya’y maraming Judio ang humihiwalay na sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.  

Juan 12:9-11

Minsan mo na bang naranasan na ito: Alam mong mahal ka ni God, within His will naman ang pinagdarasal mo pero ang tagal ibigay ni Lord? At dahil ang tagal mo nang naghihintay, parang nagmumukhang imposible nang ibigay ni Lord sa iyo?

Mahal ni Jesus ang magkakapatid na Martha, Mary, at Lazarus. Ngunit nang ibalita sa Kanya na malubha ang karamdaman ni Lazarus ay nanatili pa ng dalawang araw si Jesus bago pumunta sa Judea (Juan 11:5-7). Pagdating ni Jesus sa Bethany, apat na araw nang nakalibing si Lazarus. Alam nina Martha at Mary na kung naroon si Jesus, hindi mamamatay si Lazarus. Maging ang mga nakasaksi sa mga milagrong ginawa ni Jesus ay nagtataka. Isip nila, Bakit hindi Niya napigilan ang pagkamatay ni Lazarus?

Ngunit nang nakita ni Jesus ang pag-iyak ni Mary at iba pang Jews na nakikiramay, nahabag at nabagabag Siya. Jesus Himself cried. Hinanap kung saan inilibing si Lazarus at kahit nangangamoy na ito, matapos magpasalamat ni Jesus kay God ay ginawa Niya ang imposible. Sinabi Niya, “Lazarus, come out!” at nabuhay muli si Lazarus (Juan 11:17-44).

“God has helped” ang ibig sabihin ng pangalang Lazarus sa Hebrew. Sa paghihintay mo sa sagot ng Panginoon sa panalangin mo — God has helped. Sa pinagdadaanan mong mukhang imposibleng matapos — God has helped. At sa bawat pag-iyak mo sa kawalan ng pag-asa — God has helped. God may have made it seem impossible for you so that you may believe (John 11:15) and for His name to be glorified (John 11:4). Dahil sa pagkabuhay muli ni Lazarus, marami ang gusto siyang makita at nanampalataya kay Jesus. Ikaw, what is your Lazarus?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I praise You for You are God who does not only love me but also cares for my faith. Maraming salamat dahil alam ko na sa gitna ng pagkainip, paghihintay, at kawalan ng pag-asa ay Ikaw ang aking Diyos na nakikisama, nakikiramay, at nakikiiyak sa akin. Buksan Mo po ang aking puso’t isipan sa Iyong perspective at tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyong pangako. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa iyong journal, write about how you feel habang hinihintay na matupad ang pangako ng Panginoon sa Iyo. Isulat ang attributes ni God na ibinahagi sa Juan 11. Declare His attributes as you wait on God’s promise to be fulfilled.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 10 =